LABIS ang lungkot na nadarama ngayon ng vlogger-beauty queen na si Herlene Budol dahil sa nangyari sa national costume niya na gagamitin para sa Miss Planet International.
Ibinahagi nito sa kanyang Instagram account ang kanyang pagkadismaya sa kasalukuyang pangyayari.
“Nakakaiyak at sobrang lungkot ng Hipon Girl nyo. Ang National Costume mukhang na disgrasya po ng Airlines. Pag dating ng Airport ayaw ipakarga kesyo over size daw. Then No Choice narin kami at hinayaan nalang namin chinopchop nila at binaklas buong box,” pagbabahagi ni Herlene.
At dahil nga pinaghiwa-hiwalay ang kanyang national costume ay hindi nila ito buong nakuha nang makalapag sila ng eroplano.
“Ang masaklap yung pinaka body ng costume hindi nakarating ng UGANDA. buong araw na kami asa Airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi. pero 2:30am na at wala na silang paramdam,” lahad pa ni Herlene.
Kaya naman nanawagan ang dalaga sa airlines na kanilang sinakyan para tuluyan siyang matulungan hinggil sa kanyang problema sa kanyang national costume.
“Manalo o matalo suportahan nyo pa rin ako hanggang sa dulo ah. Love you all at isama nyo ako sa prayers niyo,” pakiusap ng dalaga bago siya tumungo pa-Uganda.
Maging ang kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino sy humingi na rin ng tulong para sa national costume ng dalaga.
“Guys, we need Plan B for Herlene Hipon Budol National Costume. Na disgrasya ng Ethiopian Airlines. I need help! Today ang biyahe ng Interpreter papunta ng Uganda para masabay na po sana,” saad ni Wilbert.
Sa ngayon ay nasa Uganda na si Herlene bilang representative ng Pilipinas para sa Miss Planet International pageant na gaganapin sa Nobyembre 19.
Related Chika:
Wilbert Tolentino naghahanap ng translator ni Herlene Budol, sasama sa Uganda para sa Miss Planet International