Mas maraming Pinoy aprub sa ‘Sim Card Registration Act’ – SWS

Sim Card Registration Act

MAS maraming Pinoy ang sumasang-ayon sa pagpapatupad ng bagong batas na “Sim Card Registration Act,” base sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang survey noong September 29 hanggang October 2 sa 1,500 respondents via face-to-face interview.

At lumabas diyan na 60% ng mga Pilipino ang aprub sa bagong batas, 17% ang hindi sang-ayon, habang 23% naman ang undecided.

Kung matatandaan, ang “Sim Card Registration Act” ang kauna-unahang batas na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Oktubre.

Layunin nito na maprotektahan ang SIM users mula sa mga “scam messages.”

May malaking tulong din ang bagong batas sa gobyerno upang ma-track ang mga nangyayaring krimen sa pamamagitan ng cellphones.

Nauna nang sinabi ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil na, “the SIM Card Registration Act aims to provide accountability in the use of SIM cards and aid law enforcers to track perpetrators of crimes committed through phones.”

Narito ang ilan sa mga dapat ninyong malaman tungkol sa SIM Card Registration Act o Republic Act No. 11934:

  • Ang mga bibili ng SIM cards ay kailangang mag-presenta ng valid identification document sa telco companies at direct sellers.
  • Pwedeng patawan ng kaukulang parusa ang mga magbibigay ng maling impormasyon, lalo na ‘yung mahuhuling namemeke ng kanilang “identity.”

  • Ang mga may “existing” SIM cards ay kailangan mag-register sa loob ng 180 na araw mula sa pagiging epektibo ng batas dahil kung hindi, maaaring ma-”deactivate” ang number.

Sino-sino ang pwedeng magrehistro?

Gaya sa unang nabanggit, kailangang mag-register ang mga “existing” SIM subscribers – prepaid man o postpaid.

Naka-register din dapat syempre ang mga bibili ng bagong SIM, kasama na riyan ang foreign nationals.

Kung menor de edad naman ang gagamit, dapat nakapangalan sa kanilang mga magulang o guardian ang kanilang SIM cards.

May bayad ba ang pag-register?

Wala, libre ang pagpaparehistro.

Ano ang mga requirements para makapag-register?

May dalawang requirement lang ang kailangan ayon sa bagong batas.

Una na riyan ang “registration form” na makukuha mula sa telco company.

Kailangang sagutan ang nasabing form na naglalaman ng ilang personal na impormasyon tungkol sa inyo, gaya ng inyong buong pangalan, birthday at address.

Pangalawa naman ay dapat magdala ng “valid government-issued ID cards,” gaya ng passport, SSS ID, UMID, at driver’s license.

Paano kung nawala o may pagbabago sa SIM Card?

Kailangang ito ipaalam kaagad sa telco provider upang ma-”deactivate” ang SIM cards sa loob ng 24 oras.

Pwede bang magkaroon ng maraming registered SIM card?

Ayon sa DICT, pwedeng magkaroon ng kahit gaano karaming SIM cards ang isang indibidwal.

Read more:

Read more...