‘Probinsyano’ actress Chase Romero may launching movie na; Sct. Borromeo sa Q.C. balak gawing ‘Hollywood Lane’ ng Pinas

'Probinsyano' actress Chase Romero may launching movie; Sct. Borromeo sa Q.C. balak gawing 'Hollywood Lane' ng Pinas

Richard Gutierrez, Chase Romero, Paolo Paraiso at Geoff Eigenmann

MADRAMA at makulay ang life story ng character actress na si Chase Romero, isa sa mga talent ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).

Nakachikahan namin si Chase kamakailan kasama ang ilan pang members ng entertainment media at dito nga namin nalaman na marami ring bubog at hugot sa buhay ang dalaga.

Sa mga hindi pa nakakaalam, isa si Chase sa mga maswerteng aktres na napasama sa longest-running Kapamilya serye sa bansa, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbidahan ni Coco Martin.

Isa siya sa mga gumanap na pulis sa nasabing award-winning Kapamilya series na kasali sa grupo ng ginampanang karakter ni Geoff Eigenmann.

Yes, yes, yes, mga ka-Marites! Talagang napasabak din sa maaaksyong eksena si Chase sa “Ang Probinsyano” at nakipagbakbakan sa mga action scenes kasama ang iba pang malalaking artista ng ABS-CBN.

Kuwento ni Chase, napakarami niyang natutunan sa pagiging bahagi ng serye lalo na kay Coco at sa ilan pang kilalang celebrities na nakatrabaho niya sa loob ng ilang buwan.

Nagkuwento rin si Chase sa amin tungkol sa kanyang lovelife na pwedeng-pwedeng ilabas sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN o “Magpakailanman” ng GMA 7.

Niloko rin pala siya ng dati niyang boyfriend at ipinagpalit sa ibang babae. Super affected and devastated daw siya nang dahil dito na nauwi nga sa matinding depresyon.

Hanggang sa dumating na nga ang pagkakataon na makapasok siya sa showbiz na naging “gamot” para mas mapabilis ang pagmu-move on niya sa pagiging brokenhearted.


Mula noon, nagsunud-sunod na ang projects niya sa ABS-CBN bilang extra hanggang sa maging character actress na nga siya sa mga teleserye at pelikula. Sa ngayon, may ginagawa siyang TV series sa GMA 7 na malapit na ring mapanood.

Bukod dito, magkakaroon na rin siya ng launching movie under KSMBPI na pinamumunuan ni Dr. Michael Aragon na isa ring  producer.

May working title itong “Thanks For The Broken Heart” na tungkol sa “May-December” affair kung saan makakasama niya ang veteran actor na si Rey “PJ” Abellana. Very soon ay magsisimula na ang kanilang shooting kasama ang iba pang members ng cast.

Nauna rito, ibinalita rin ni Dr. Aragon na tapos na ang isa pa nilang pelikula na “Socmed Ghosts” kung saan tatalakayin ang apat na social cancer sa Pilipinas– climate change, extra-judicial killing, poverty at child prostitution. Kasama rin dito si Chase at iba pang talents ng KSMBPI.

Samantala, ipu-push talaga nang bonggang-bongga ng KSMBPI ang plano nilang gawing “Hollywood Lane of the Philippines” ang Scout Borromeo Street sa Quezon City, District 4.

Ayon kay Dr. Aragon, sigurado silang maraming matutulungan kapag naisakatuparan at naisabatas na ang kanilang proposed project.

“May mga meeting ako with some of the LGU officers ng Quezon City na sana magkaroon ng City Ordinance converting the entire street of Scout Borromeo into a center and landmark na tatawagin nating Hollywood Lane of the Philippines.

“Ito ang magiging sentro ng ng iba’t ibang activities related to filmmaking or anything na may kinalaman sa movie industry, entertainment arts and culture and to provide a free zone where artists and filmmakers alike will be able to shoot and create movies permit free,” ani Dr. Aragon.

Naniniwala rin siya na kapag naaprubahan ito ng city council ay magiging buhay na buhay ang mga may negosyo sa Sct. Borromeo dahil magiging tambayan na raw ito ng mga celebrities.

Sa wakas, Christian wedding nina Geoff Eigenmann at Maya Flores natuloy na rin

Jake nakaranas ng matinding trauma dahil sa naranasang ‘car chase’ last year: Pero napakaswerte ko pa rin!

Miss Cebu City Nicole Borromeo waging Bb. Pilipinas International 2022; Herlene Budol itinanghal na 1st runner-up

Read more...