Jake nakaranas ng matinding trauma dahil sa naranasang 'car chase' last year: Pero napakaswerte ko pa rin! | Bandera

Jake nakaranas ng matinding trauma dahil sa naranasang ‘car chase’ last year: Pero napakaswerte ko pa rin!

Ervin Santiago - April 19, 2022 - 07:42 AM

Jake Cuenca

MATINDING trauma ang naging epekto kay Jake Cuenca ng kinasangkutang kontrobersya noong mabangga niya ang isang sasakyan ng pulis na nauwi sa car chase.

Inalala ng award-winning Kapamilya actor ang insidente nang mapag-usapan sa isang panayam ang kanyang staying power at longevity sa mundo ng showbiz.

Ayon sa premyadong aktor, isa sa mga sikreto sa likod ng matagumpay at tuluy-tuloy na acting career ay ang magandang pakikitungo sa mga katrabaho — mula sa mga co-stars niya hanggang sa production staff.

“Unang-una obviously, you have to give your best. In 20 years, ang dami ko nang nakita na batches ng artista na come and go,” simulang pahayag ni Jake sa “Stars on Stars” ng Star Magic.

Dagdag pa ng aktor, “For me, to be honest, I still consider myself very, very lucky to still be here and doing what I do. Parang every day I am thankful and grateful to God for being blessed to do what I do.”

Pagbabalik-tanaw nga ni Jake sa kinasangkutang car chase, “I remember parang few months ago nagkaroon ako ng insidente it’s all over the news, issue.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“Pero naalala ko nagbaha ng text sa akin, management, bosses, actors, my producers and all of them just said one thing.

“Kung anu-ano na ang lumabas sa tsismis na ito, ang dami ng version na lumabas, pero I remember they said one common thing.

“They all said, ‘No matter what happened Jake, we know that you are a good person because your heart is in the right place,'” pahayag pa ng binata.

Aniya pa, “It was still the body of work at kung ano ang ipinakita ko sa co-workers ko, kung bakit sa likod nang napakapangit na isyu ay naniniwala pa rin sila sa akin.

“Kasi I show them the real me. To the people that I worked with, to the people who really know me, they know that my heart is in the right place and that’s because I’ve also worked with them for decades now.

“So, parang kahit sa likod ng napakabigat na isyu, never akong nag-alala about my job. Kasi in fairness to management, they made me feel secure na kilala nila ako,” dugtong ni Jake.

Noong October, 2021 na-headline si Jake nang makipaghabulan sa mga pulis sakay ng kanyang sasakyan kung saan may nadamay na isang delivery rider na nagngangalang Eleazar Maritinito.

Aminado si Jake na grabeng trauma ang idinulot nito sa kanya lalo pa’t tinamaan pa ng bala ang kanyang sasakyan nang magpaputok ang mga pulis.

Pero hindi na raw siya nagsampa ng kaso laban sa mga pulis na humabol sa kanya dahil gusto niyang matapos na ang issue.

https://bandera.inquirer.net/295319/jake-sa-mga-umarestong-pulis-hindi-ako-naglaban-hindi-ko-sila-pinahirapan

https://bandera.inquirer.net/289028/maxene-magalona-nag-post-ng-crying-selfie-i-felt-free-light-and-happy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/304765/janella-salvador-na-trauma-sa-ex-boyfriend-kapag-mga-lalaki-tapos-lasing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending