MAGING ang tahanan ng singer na si Lyca Gairanod ay hindi nakaligtas sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Nasira nga ang dating bahay ng mang-aawit sa Tanza, Cavite nitong nagdaang weekend dahil sa hagupit ng bagyo.
Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Lyca ang isang video kung saan ipinapakita nila ang kung gaano kagrabe ang nangyari sa kanilang tahanan maging sa kanilang mga kapitbahay.
“Sobrang nasa-sad ‘yung lola ko, siyempre simula noong dito ako pinanganak, 17 years ko nang nakasama itong bahay so nasira lng siya ng bagyo,” saad ni Lyca.
Nasa tabing dagat kasi ang dating tahanan nina Lyca kung saan naninirahan ang kanyang lola.
Ani Lyca, ito ang problema nila kaya hindi niya maipagawa o maipaayos ang naturang bahay dahil hindi nila alam kung kailan sila masasalanta ng bagyo dahil na rin prone sa pagkakasira anf bahay gawa ng kalapit na karagatan.
Nanawagan naman ang dalaga ng tulong hindi lang para sa kanilang naapektuhan ng bagyo pati na rin sa mga kapitbahay na mas matindi pa ang dinanas sa bagyong Paeng.
Nagpapasalamat pa rin naman si Lyca dahil hindi nasaktan ang kanyang lola na nakatira sa dating tahanan at hindi naman sobrang nasira ang tinutuluyan nito.
Umiiyak naman ang lola niya at kahit na nasira na ang tinitirhan ay ayaw pa rin nitong umalis sa binabantayang bahay.
Makikitang wala na halos natira sa mga gamit ng lola niya maliban sa hanger at kurtina at inanod na rin ng baha ang mga damit nito.
Sey ni Lyca, “May natira pa naman… hanger, kurtina,” ayon sa singer. Pero wala nang sahig at dingding.”
Naibahagi rin ng “The Voice Kids Philippines” season 1 grand winner na may plano siyang ipaayos muli ang dating bahay dahil mas nais raw manirahan dito ng kanyang lola kaysa sa bahay na kanyang nabili na malapit lang rin sa dati nilang tahanan.
Pero dahil nga isang bagyo na naman ang paparating kaya hindi muna maipatatayo ni Lyca ang titirhan ng kanyang lola.
“Ang gusto ni Lola ipaayos, ipapaayos natin kasi ayaw n’ya talagang pabayaan ‘yung bahay namin. Gusto niya talagang laging nakikita. Wala namang problema doon, kasi matanda na rin ang lola ko, dapat kung saan siya masaya, doon tayo,” sey ng dalaga.
Nagpasalamat rin siya sa mga taong tumulong at nais magpaabot ng tulong at ang mahalaga raw ay safe silang lahat at walang masamang nangyari sa kanyang lola.
Related Chika:
Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na
Lyca Gairanod nilinaw ang controversial answer sa ‘Family Feud’: Ang hirap sumagot nang biglaan
Lyca binansagang ‘Meme Queen’, mensahe ni Karen: May plano ang Panginoon para sa iyo, I love you!
#OhMyGod: Karen, Lyca nag-celebrate ng birthday together