KD Estrada niregaluhan ng gitara ni Alexa Ilacad: Ang sweet niya magbigay ng gifts, she’s very thoughtful

KD Estrada niregaluhan ng gitara ni Alexa Ilacad: Ang sweet niya magbigay ng gifts, she's very thoughtful

Alexa Ilacad at KD Estrada

SUPER touched ang Kapamilya young actor-singer na si KD Estrada sa bonggang regalong natanggap niya mula sa kanyang rumored girlfriend na si Alexa Ilacad.

Muling pinatunayan ni Alexa kay KD ang pagiging thoughtful matapos niya itong bigyan ng isang musical instrument.

“Ang sweet niya magbigay ng gifts. She’s very thoughtful and she’s really good at gift-giving. Iniisip niya talaga kung ano ang gusto ng tao na ‘to.

“She bought me a guitar and siyempre bilang musician and gitarista, a guitar is a very thoughtful gift,” ang pahayag ni KD sa panayam ng Star Magic Inside News.


Pagmamalaki pa ng binata sa gift ni Alexa, “At hindi ‘to basta kumuha lang ng gitara sa random guitar store. Pinag-isipan talaga niya kung ano ang gusto ko and it is really nice.

“It is such a great blessing to have a person na ibinibigay niya talaga ng thought ang gift mo,” chika pa ng aktor.

Isang taon na ang nakalilipas mula nang magtagpo sina Alexa at KD sa loob ng Bahay ni Kuya kung saan nga nabuo ang love team nilang KDLex.

Kaya naman natanong ang aktor kung anu-ano ang mga pagbabago sa loveteam at relasyon nila ni Alexa after a year.

“A lot of things have changed. Individually, we are stronger people and better people.

“We get to know more about a lot of stuff from showbiz because we learn from each other,” tugon ng binata.

“It’s a constant experience for the both of us. And together naman, so far we are happy naman together and all we do right now is just enjoy the time,” dagdag pa niya.

At tungkol naman sa mga bagong na-discover niya kay Alexa makalipas ang isang taon, ayon kay KD, nalaman niyang mas matapang at mas independent pala ang dalaga.

“What I discovered about her this year is how strong she is mentally, hindi lang physically, pero mentally and emotionally.

“That she has been going through so much stuff na kahit ako hindi ko alam, but she handles it so well,” chika ni KD.

Dugtong pa niyang papuri sa dalaga, “She’s actually very kind and humble and a sweet person. People who will get to know her more I think she’s gonna be a great friend too.”

Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging ‘dyowa’: The intent is there

Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5

KD Estrada nagtapat na kay Alexa Ilacad: I want to be with you…I want to give you what you deserve

Read more...