Dahlia, Ziggy, Scarlet, Zoe ready nang mag-Halloween ‘trick-or-treat’

Dahlia, Ziggy, Scarlet, Zoe ready nang mag-Holloween 'trick-or-treat'

Photos from Instagram

READY nang makipag “trick-or-treat” ngayong Halloween ang mga cute na cute na celebrity kids!

Proud na plinex ng kanilang celebrity mom and dads sa social media ang bongga nilang costume.

Isa na riyan ang anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na nag ala-little pumpkin.

Suot ni Dahlia ang isang dress na may design ng “jack-o-lantern” at buhok na tila ginawang sangay ng kalabasa.

May post din ang Kapuso aktres na si Marian Rivera ng kanyang unico hijo na si Ziggy Dantes na naka-costume naman bilang si “Woody” ng sikat na animated movie na “Toy Story.”

Caption pa ng aktres, “Ready na kami to go out para maki- trick or treat! Di kami takot kasi alam kong protectodo si Sixto.”

Hindi rin nagpatalo ang social media star na si Scarlet Snow Belo na nag-transform bilang “Umbreon,” isa sa mga “Pokemon” characters.

Ibinandera ng celebrity doctor na si Vicki Belo ang isang TikTok video na kung saan ay nagsayaw silang mag-ina, habang suot naman ng doktora ang isang costume na tila nakasakay siya sa isang dinosaur.

Proud namang shinare ng Kapamilya aktres na si Sofia Andres ang costume ng kanyang anak na si Zoe na mala-anghel ang look.

Nakasaad sa kanyang caption, “My litol Querubin.”

Ang bawat post na ipinakita namin sa inyo ay umaani na ng libu-libong likes at comments.

Mababasa rin sa mga komento na tuwang-tuwa ang ilang netizens sa hinandang costumes ng celebrity kids.

Read more:

Jonas Gaffud naki-Halloween party sa Itaewon, muntik nang mamatay: It got scary when I thought I would die during the stampede…

Hubad na katawan ni Tony Labrusca pinagpiyestahan: Halloween, di ba? Bakit parang Easter egg hunt!?

Halloween Horror House, Tales of Illumina sanib-pwersa para sa ‘Cursed Haunted Forest’

Read more...