Roberta Tamondong itinalagang ‘5th runner-up’ sa Miss Grand International

Roberta Tamondong itinalagang ‘5th runner-up’ sa Miss Grand International

PHOTO: Instagram/@roberta.tamondong

OPISYAL nang itinalaga ang pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong bilang 5th runner-up sa Miss Grand International 2022.

Ito ay matapos magbitiw sa titulo si Yuvna Gookool ng Mauritius.

Matatandaang ginanap ang coronation night ng nasabing pageant noong October 25 sa Indonesia na kung saan nagtapos si Roberta bilang isa sa Semi-finalist Top 20.

Naglabas ng “official announcement” ang MGI sa social media kalakip ang isang video na wine-welcome ang bagong 5th placer na si Roberta.

Nakasaad pa sa post na parte na siya ng “grand family” at kabilang na sa Top 10.

Sey sa post, “Miss Grand International Organization would like to announce the appointment of Roberta Angela Tamondong, Miss Grand Philippines 2022 as the new 5th runner-up of Miss Grand International 2022.

“She will be a part of the Top10 and will continue her mission with the MGI team for a year.”

Base sa alituntunin ng MGI organization, ang kinokoronahang “5th placers” ay ‘yung mga nabibilang mula sa top 6 hanggang 10.

So ang ibig sabihin nito ay hindi lang si Roberta ang nasa 5th runner-up, kahati niya riyan ang ilang pang candidata, kabilang ang mga pambato ng Cambodia, Colombia, Spain, at Puerto Rico.

Shinare din mismo ni Roberta ang post ng MGI at tuwang-tuwang sinabi na, “IT’S OFFICIAL!”

Dahil diyan, proud na proud ang maraming pinoy fans at nagpaabot ng “congratulatory message” kay Roberta.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Deserve mo ang crown, alam natin lahat yan.”

“You deserve more than that but anyways congratulations roan!”

“ung mas bongga yung announcement ng 5th kesa sa winner.”

Noong October 28 nang isinapubliko ng organisasyon ang resignation ni Miss Grand Mauritius dahil hindi raw nito kayang gampanan umano ang tungkulin.

Ngunit itinanggi naman ito mismo ng beauty queen at sinabihang “fake news.”

Paliwanag niya, kaya raw siya nagbitiw sa pwesto dahil hindi naging maganda ang pakikitungo ng MGI sa kanya at sa iba pang organisasyon.

Saad sa post, “Our Queen @yuvrnt resigned personally due to not being aligned with @missgrandinternational latest behaviour with our organisation and others.

“So we request @missgrandinternational to stop publishing these fake news.”

Read more:

Brazil waging Miss Grand International; Bb. Pilipinas Roberta Tamondong umabot sa Top 20

Bb. Pilipinas Roberta Tamondong handang ‘tumambling’ para sa korona

Bb. Pilipinas Grand International Roberta Tamondong palaban sa ‘national costume’: Pilipinas, Hindi pa tapos ang laban!

Read more...