Pa-sopas, pa-champorado ng teacher sa mga estudyante nagpasabog ng good vibes sa socmed: ‘Pinakamasayang assignment’

Pa-sopas at pa-champorado ng teacher sa mga estudyante nagpasabog ng good vibes sa socmed

Erieth Panganiban (Photo from Karylle Solis FB)

NAGPASABOG ng good vibes sa mga Grade 12 students ang tinawag nilang “pinakamasayang assignment” na ibinigay ng kanilang teacher.

Ito ay ang viral pa-sopas at pa-champorado ni Teacher Erieth Panganiban sa kanyang mga estudyante sa Los Baños Bayog Senior High School Division of Laguna.

In fairness, talagang umani ng magagandang reaksyon at comments mula sa netizens lalo na sa kanyang mga kapwa guro ang paandar ni Teacher Erieth para mas gawing exciting ang pag-aaral ng tinuturuang Grade 12 students.

Mismong ang estudyanteng si Karylle Solis, ang nag-post ng tungkol sa pa-sopas at pa-champorado ng kanilang guro sa social media na umani nga ng libu-libong likes at shares.

Ibinahagi ni Karylle ang litrato ng kanilang teacher na nasa tabi ng TV screen at mababasa nga rito ang mga katagang, “Assignment: Magdala ng sariling mangkok at kutsara sa Friday, magpapasopas si mam!”

Ayon kay Karylle hindi ito ang unang pagkakataon na nagpa-lafang ang kanilang class adviser. Talaga raw masipag, mabait at maalalahanin si Teacher Erieth.

Sabi ni Karylle, nag-iisip daw talaga ng mga paandar ang guro para hindi maging mabigat at boring ang kanilang pag-aaral. Ito raw ang dahilan kung bakit mas sumisipag at mas nai-inspire silang mag-aral.

“Yung kabutihan po ng teacher namin yung isa sa ginawa naming inspirasyon para mas pagbutihin pa namin yung pag-aaral, para in the future, makatulong din kami sa ibang tao tulad ng ginagawa niya ngayon,” ang pahayag pa ng estudyante.

Narito naman ang mga comments na nabasa namin sa FB post ni Karylle.

“Naalala ko my elementary, sinabi rin ng teacher namin ganyan, pero sa amin yellow corn at skim milk late 70s, tapos may take home pa kami malalaking plastic ng yellow corn.”

“Kami sir kanya kanya din kami magdala ng mangkok at kutsara AHHAAHAHAH Niño Sumagingsing.”

“Sana all! Samin kac pina assignment kame mag dala ng ballpen tsaka papel kac may long quiz daw kame.”

“Taasan na nila yung sweldo ng teachers, andaming kawawa gawa ng gawa ng mabuti sa estudyante tapos kakarampot lang benefits.”

“Isa po siyang mabait at mapagmahal na guro saming mga estudyante niya.”

Dingdong tinupad ang kabilin-bilinan ng magulang; matinding hirap ang dinanas bilang working student

Matteo kay Sarah: Thank you for being a ‘tala’ to everyone’s lives!

Candy super proud sa pagtatapos ni Quentin sa junior high school, pati mga sekyu sa school pinasalamatan

Read more...