DALAWANG bagyo ang kasalukuyang binabantayan ng PAGASA sa loob ng ating bansa – ang Tropical Storm Paeng at Tropical Depression Queenie.
Ayon sa press briefing ng weather bureau ngayong araw, Oct. 31, habang patuloy na kumikilos papalabas ng bansa ang bagyong Paeng ay may biglang pumasok na isa pang bagyo kaninang madaling araw.
Pinangalanan itong “Queenie” at sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa.
“Kaninang alas singko ng umaga, itong tropical depression ay nasa loob na po ng ating Philippine Area of Responsibility at tatawagin natin siyang ‘Queenie’,” sey ni Weather Forecaster Aldczar Aurelio.
Samantala, ngayong araw inaasahang lalabas na ng ating teritoryo si Paeng.
Sey ni Aurelio, “Itong si bagyong Paeng ay inaasahan po natin ay bababaybayin niya itong West Philippine Sea hanggang doon sa paglabas ng Philippine Area of Responsibility.”
Pero nakataas pa rin hanggang ngayon ang signal no. 1 sa maraming lugar sa Luzon dahil malawak pa rin ang sakop ng bagyong Paeng.
Narito ang kumpletong listahan:
TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO. 1
LUZON
-
Ilocos Norte
-
Ilocos Sur
-
La Union
-
Pangasinan
-
Apayao
-
Kalinga
-
Abra
-
Mountain Province
-
Ifugao
-
Benguet
-
Nueva Vizcaya
-
Western portion of Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Lasam, Santo Niño, Piat, Tuao, Rizal)
-
Western portion of Isabela (Cordon, City of Santiago, San Mateo, Ramon, Alicia, San Isidro, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan)
-
Northwestern portion of Quirino (Cabarroguis, Diffun, Saguday)
-
Northern, western, and southern portions of Nueva Ecija (Cuyapo, City of Gapan, Talavera, San Leonardo, Santo Domingo, Rizal, San Isidro, Zaragoza, Llanera, Guimba, Aliaga, Science City of Muñoz, General Mamerto Natividad, Cabanatuan City, Carranglan, Quezon, San Antonio, San Jose City, Santa Rosa, Lupao, Nampicuan, Talugtug, Peñaranda, Jaen, Licab, Cabiao, Pantabangan)
-
Pampanga
-
Bataan
-
Tarlac
-
Zambales
-
Western portion of Bulacan (Hagonoy, Paombong, City of Malolos, Guiguinto, Calumpit, Pulilan, Plaridel, Baliuag, Bustos, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael)
Huling namataan ang bagyong Paeng sa distansyang 320 kilometers per hour sa kanluran ng Iba, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging 85 kilometers per hour at bugsong aabot sa 105 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Read more:
48 patay, 40 sugatan sa pananalasa ng bagyong Paeng, 22 katao pa ang nawawala
‘Paeng’ tapos nang manalasa sa bansa, pero isa pang bagyo nagbabadya
#MindanaoNeedsHelp: 70 patay, 31 sugatan sa pananalasa ni bagyong Paeng