Ogie Alcasid niregaluhan ng bagong sasakyan ang inang nag-celebrate ng 90th birthday: ‘Love you so much, Ma!’

Ogie Alcasid niregaluhan ng bagong sasakyan ang inang nag-celebrate ng 90th birthday: 'Love you so much, Ma!'

Ogie Alcasid at Nanay Minnie

NAGING emosyonal ang nanay ng Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid nang matanggap ang bonggang-bonggang birthday gift mula sa kanyang anak kamakailan.

E, sino nga ba naman ang hindi mapapaiyak kung niregaluhan ka ng bagong sasakyan para sa iyong kaarawan, di ba naman!?

Yes, yes, yes mga ka-Marites, isang brand new car lang naman ang ibinigay ni Ogie para sa kanyang Nanay Minnie nang ipagdiwang nito ang ika-90 kaarawan.

Ayon sa TV host-comedian at OPM legend, naisip niyang regaluhan ng bagong sasakyan ang ina sa 90th birthday nito para mas maging espesyal ang kanilang pagdiriwang ngayong taon.

Sa Instagram, ipinost ni Ogie ang  litrato ng sasakyang ibinigay niya kay Nanay Minnie at ang naging reaksyon nito nang makita ang kanyang bonggang regalo.

Kitang-kita sa IG photo na ibinahagi ng komedyante sa kanyang followers ang pagiging emosyonal ng kanyang nanay.

Ani Ogie sa caption, “Mommy receives her early birthday present for her 90th. Love you so much ma.”


Bumuhos naman ang pagbati sa comments section ng post ng TV host, kabilang na riyan ang mga mensahe mula sa mga kaibigan nila ni Regine Velasquez sa mundo ng showbiz.

“Happy Birthday po!” pagbati ng dati niyang ka-loveteam na si Manilyn Reynes.

“Awww… Happy birthday Tita Minnie. Such a blessing to have reached that age. May God continue to bless you always,” sabi naman ni Dingdong Avanzado.

“Wow! Happy Bday mommy,” comment ng kaibigan niyang si Janno Gibbs.

“Awwwww! Happy birthday po!” ang post naman ni Melai Cantiveros.

“Wow!!!!! happy birthday nanay!” sey ni Kim Chiu.

Pagbati naman ni Ryan Bang, “Awwwww happy birthday po tita.”

Ogie Alcasid: Kailangan na nating kumilos, napakarami na pong problema ng Pilipinas

Wish ni Ogie tinupad ng Showtime, madlang pipol nag-enjoy: Laughtrip kahit wala si Vice!

Ogie super proud kay Regine: Flex ko lang ang asawa ko…ganyan siya kasimple, super mom & super wife!

Read more...