Richard Yap inireklamo ang internet provider: Akala tatakasan natin sila sa P599, we’ve been subscribers for more than 10 years already

Richard Yap inireklamo ang internet provider: Akala tatakasan natin sila sa P599, we’ve been subscribers for more than 10 years already

Richard Yap

NAPIKON na ang Kapuso actor na si Richard Yap sa isang  telecommunications provider dahil sa maya’t mayang pagtawag ng mga staff nito para bayaran ang kanilang monthly bill.

Hindi na napigilan ni Richard ang sarili na maglabas ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng social media matapos makatanggap ng paulit-ulit na tawag mula sa collection department ng nasabing telecom company.

Ayon sa Kapuso actor, hindi na raw makatarungan ang ginagawang pangungulit ng nasabing kumpanya para bayaran ang halagang P599 kahit hindi pa naman due date.

“Grabe tong @LiveSmart tawag ng tawag kahit di mo pa due date. Akala nila takasan natin sila ng 599 pesos when we’ve been subscribers for more than 10 years already,” ang tweet ng aktor last October 29.

Hirit pa niya, “Pero pag Wala tayong signal sa area natin di naman nila inaayos.”

Sinagot naman agad ng nasabing internet provider ang hinaing ni Richard. Pero ang kasunod nga nito ay ang reklamo naman ng ilang netizens.


Anila, bakit daw kapag artista o kilalang personalidad ang nagrereklamo ay napakabilis tumugon ng naturang kumpanya.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa social media hinggil sa reklamo ni Richard.

“Pag artista i-aassist agad. Ayusin nyo services nyo para lahat walang inconvenience!”

“True ka po dyan. Mga magagaling lang pag binabayaran sila.”

“Pag artista, nangangatog ang tuhod n’yo ah.”

“This is so true. Pwede naman 1 text reminder lang. That’s it. Grabe makatawag.”

“Kapag tayo po ang may kailangan, dedma po sila… Pero kapag sila po ang may kailangan kahit hindi pa po sila dapat magdemand, ang bilis-bilis ng response kahit hindi sila kailangan or tinatawagan.”

Bukod kay Richard, nagreklamo rin  ang TV host-actress na si Alex Gonzaga sa isang telecom at internet provider sa Twitter dahil sa serbisyo nito. At in fairness, mabilis ding naaksiyunan ang issue ng sisteraka ni Toni Gonzaga.

Hamon ni Korina sa bashers: Nasaan na ang mga troll na bayaran, napagod na ba kayo?

Hamon ni Ogie Diaz kay Elizabeth Oropesa: Kapag pinaputol n’ya ang 2 paa niya, ipapuputol ko ang notes ko!

Lolit Solis kay Moira: Baka gusto niya talaga na pag usapan ang kanyang married life

Read more...