Piolo shookt sa pasabog ni Regine pagkatapos nilang gawin ang ‘Paano Kita Iibigin’…ano kaya yun?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Regine Velasquez at Piolo Pascual
GAME na game sina Piolo Pascual at Regine Velasquez na magsama uli sa isang pelikula kung mabibigyan daw sila ng pagkakataon.
Ang una’t huling movie na pinagbidahan nila ang romantic-drama na “Paano Kita Iibigin” na ipinalabas noong 2007 mula sa Star Cinema at Viva Films.
Mula nga raw nang gawin nila ang nasabing proyekto ay napanatili pa rin nila ang kanilang pagkakaibigan. Makalipas ang ang mahigit isang dekada ay sariwang-sariwa pa rin sa kanilang isipan ang mga kaganapan habang ginagawa nila ang “Paano Kita Iibigin.”
Naging special guest si Piolo sa “Magandang Buhay” last Friday kung saan ipinagdiwang nila ni Regine ang ika-15 taon ng “Paano Kita Iibigin” na idinirek ni Joyce Bernal.
Ayon kay Papa P, grabe rin ang kaba ay hiya na naramdaman niya noong gawin nila ni Regine ang nasabing pelikula.
“Nakailang movies na sila ni Joyce, eh. Kumbaga tested na sila then coming into film, I was really shy because you know that’s freaking Regine Velasquez.
“So hiyang-hiya talaga ako kahit na nag-TV guestings kami but I was intimidated at first because nga you know sa kalakihan niya as a celebrity but she was really helpful,” pag-amin ni Piolo.
Hirit naman ng Asia’s Songbird, “Actually, ang naalala ko noon ay ang saya-saya namin. Tapos kain kami nang kain.
“Kasi hindi naman siya katrabaho lang, kaibigan siya. And also he works with Ogie (Alcasid), parang they love each other. So they got very, very close pati ang friendship namin sumunod. At saka ninong siya ni Nate,” sabi pa ni Regine.
Samantala, shookt sina Songbird at Papa P nang dumating sa studio ang dating child star na si Quintin Alianza, ang gumanap na anak ni Regine sa “Paano Kita Iibigin.”
Binatang-binata na kasi ngayon si Quintin sa edad na 21 at college student na rin at kumukuha ng kursong Communication Arts. Si Quintin din ang grand winner sa “Star Circle Kid Quest” noong 2006.
Sabi ng bagets, “Sa kanila, they were so nice to me po. Si Kuya Piolo tinuturuan niya po ako na i-deliver ang mga lines ko. Si Regine po she was like a mother to me.”
Para kina Regine at Piolo, napakaespesyal sa kanila ng una at huli nilang pelikula.
“Sa akin kasi ‘yung pelikula na ‘yon, yun ang pinaka-dramatic na role na nagampanan ko. Normally kasi ako ‘yung comic relief, ako ang nagpapatawa. Eh nandoon si Uge (Eugene Domingo) so ako ang serious. Ito talaga ang pinaka-dramatic na ginawa ko,” sey ni Regine.
“Nagpapasalamat ako sa Star Cinema at sa Viva Films siyempre kay Piolo at Joyce for giving me this opportunity para ma-test ko rin ang sarili ko kung saan ko kayang dalhin ang acting na ito.
“And I had so much fun working with you (Piolo) and I am so happy that even after all that we are still friends,” sey pa ng Songbird.
Para naman kay Papa P, “If there’s one thing I really appreciate about Reg is her compassionate heart and very caring and very attentive.
“And if there’s one thing that I learned from her, during the last day, may dumating na truck, truck load of different appliances. Sabi ko, ‘Saan galing ‘yan?’ ‘Kay Ms. Reg po pa-last day.’
“So walang umuwing luhuan. That’s one trait that I’ve been practicing na nakuha ko kay Reg, ‘yung pagiging napaka-giving, napaka-generous niyan.
“So ever since then lahat ng pelikula ko ay pina-practice ko na ‘yan, thank you for doing that, for showing that to me. We only did one film but we have a fans club, ‘yung mga PioGine fans. So maraming-maraming salamat,” sey pa ni Piolo.
At kung mabibigyan daw ng chance, gusto nilang muling magkasama at makagawa ng bagong pelikula. Sana raw ay may magandang materyal na mai-offer sa kanila na kasinglupet ng “Paano Kita Iibigin.”