Vice Ganda, Bb. Pilipinas queens nagpaningning sa giant Christmas tree | Bandera

Vice Ganda, Bb. Pilipinas queens nagpaningning sa giant Christmas tree

Armin P. Adina - October 30, 2022 - 03:03 PM

Kasama ng mga reyna ng Bb. Pilipinas na sina (mula kaliwa) Stacey Gabriel, Chelsea Fernandez, Hannah Arnold, at Maureen Montagne si Vice Ganda (kanan) sa entablado

Kasama ng mga reyna ng Bb. Pilipinas na sina (mula kaliwa) Stacey Gabriel, Chelsea Fernandez, Hannah Arnold, at Maureen Montagne si Vice Ganda (kanan) sa entablado./ARMIN P. ADINA

 

BUMALIK si Vice Ganda sa Araneta City sa Quezon City para sa tinutukoy niya bilang isang taunang tradisyon na naghahatid ng diwa ng Kapaskuhan para sa kanya, ito ang pagsisindi ng ilaw sa giant Christmas tree na itinatayo taon-taon sa distrito nang mahigit apat na dekada na ngayon.

“Inaabangan ko talaga ito kada taon. Parang naging personal na panata ko na ito kapag magpa-Pasko na,” sabi ng entertainer at host sa mga manonood sa Times Square Food Park kung saan itinanghal ang tree lighting show, at kung saan itinatayo ang 100-talampakang Christmas tree taon-taon sumula 2017. Itinatayo ng Araneta City ang higanteng puno sa tabi ng Araneta Coliseum simula noong 1981.

Sinamahan din ng Binibining Pilipinas queens mula 2021 at 2022 ang “unkavogable box-office star” sa entablado para sa pagpapailaw sa puno, na kinabitan ng mga kulay pula at gintong palamuti alinsunod sa holiday theme ng Araneta City ngayong taon na “Christmas Like No Other.”

Pinangungunahan ni Vice Ganda (gitna) ang pag-awit ng mga kantang pamasko kasama sina (mula kaliwa) Samantha Bernardo, KD Estrada, Alexa Ilacad, Kice, Khimo, at Robi Domingo

Pinangungunahan ni Vice Ganda (gitna) ang pag-awit ng mga kantang pamasko kasama sina (mula kaliwa) Samantha Bernardo, KD Estrada, Alexa Ilacad, Kice, Khimo, at Robi Domingo./ARMIN P. ADINA

Nasilayan ang unang opisyal na pampublikong paglabas ni Bb. Pilipinas Chelsea Fernandez mula nang magtapos sa Top 15 ng The Miss Globe pageant sa Albania sa show, kung saan kasama niya sina second runner-up Stacey Gabriel, The Miss Globe 2021 Maureen Montagne, at Hannah Arnold na sasabak sa ika-60 Miss International pageant sa Japan sa Disyembre.

Ang pagpapailaw sa puno ang una sa serye ng mga malalaking pasabog ng distrito ngayong Kapaskuhan. Ibabalik ng Araneta City ang “Christmas on Display” (COD) makaraang buhayin itong muli noong 2019. Itatayo rin ang Belen malapit sa Farmer’s Market.

Nagdagdag ng ningning sa pagkutitap ng mga ilaw sa tree lighting show sina “Idol Philippines” season 2 winner Khimo at finalist Kice, at ang tambalang “KDLex” nina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Nag-host naman ang trending na si Robi Domingo, na sinabing may “market” siya sa Times Square, kasama si 2020 Miss Grand International first runner-up Samantha Bernardo.

Nagpakita rin ang mga kinatawan ng ika-14 Mister International pageant, na nagsipagsayawan habang nagtatanghal si Vice Ganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending