GRABE talaga ang naging perwisyo ng bagyong Paeng!
Biruin mo, halos buong lugar mula Luzon hanggang Mindanao ay nakaranas ng bagsik at hagupit ng bagyo.
Bukod sa marami ang nalubog sa baha at nawalan ng tirahan, marami rin ang nasawi at nasaktan.
Dahil diyan, nanawagan na rin ang ilang mga artista sa pamamagitan ng kanilang social media na tulungan ang mga biktima.
Katulad ng aktres na si Empress Schuck na nag post ng ilang mga litrato at video na makikitang bahang-baha na sa Zamboanga City.
Sey pa niya sa kanyang post, “Current situation here in Zamboanga city.
“Many people are still stranded and we need more rubber boats here for rescue, especially brgy. Tumaga.
“Pls pray for everyone’s safety and let me know if you like to extend help its badly needed.”
Nagpaabot naman ng dasal ang aktor na si Baron Geisler, lalong-lalo na sa mga apektado sa Zamboanga at Maguindanao, pati na rin sa mga volunteers ng “rescue and relief operations.”
Post niya sa Facebook, “Praying for our fellow Filipinos who are badly affected by Typhoon Paeng especially in Zamboanga and Maguindanao.
“God be with the volunteers and those doing rescue/relief operations.”
May paalala naman ang aktres na si Carla Abellana na huwag iwanan ang mga alagang hayop sakaling mage-evacuate.
Ayon sa kanyang caption, “Please do not leave your pets behind and always include them in your evacuation plans.
“One of the most heartbreaking scenarios in an emergency or natural disaster is always pets getting left behind. Some are not even given the chance to at least escape and find a safe place.”
May panawagan din siya na sana maging bukas ang mga tahanan at establisyemento sa mga ligaw na hayop.
Aniya, “Also, please do open up your homes and establishments to strays when you can.
“It’s times like this that they need us the most.”
Read more:
48 patay, 40 sugatan sa pananalasa ng bagyong Paeng, 22 katao pa ang nawawala
‘Paeng’ tapos nang manalasa sa bansa, pero isa pang bagyo nagbabadya
#MindanaoNeedsHelp: 70 patay, 31 sugatan sa pananalasa ni bagyong Paeng