MAY bagong update ang beteranong aktor na si Pen Medina tungkol sa kanyang kalusugan matapos maoperahan sa kanyang spine at ma-confine sa ospital ng dalawang buwan.
Sa Facebook, taos pusong nagpapasalamat ang aktor sa lahat ng mga tumulong at nagdasal para sa kanyang paggaling.
Sinabi niya rin na sisikapin niyang bumalik sa normal.
Sey niya sa FB, “Pagkatapos po ng aking matagumpay na major spinal surgery at dalawang buwang pagkakaospital, patuloy ako ngayong nagpapalakas upang makabalik sa aking bagong normal.”
Aniya, “Muli, MARAMING MARAMING SALAMAT po sa lahat ng mga tulong at panalangin ninyo.
“May God bless you all.”
Maraming kaibigan at fans naman ang nagpaabot ng “get well wishes” para sa kanyang mabilis na paggaling at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.
“You’re one of the legendary stars alive… and sure po Sir Pen Medina were treasuring you… hope to be work with you soon… keep safe and God bless you and your whole family”
“Nakaka miss po kau lalo na po sa stage play ng noli me tangere at walang sugat magaling na actor”
“We always love you sir Pen… always in my prayers… you and your family… and Lorenzo…. palakas ka po… we will always be here for you…”
“Magpalakas po kayo. Marami pa daw po kayong likhang sining na gagawin at patuloy na magbibigay inspirasyon sa amin.”
Noong Hulyo nang ma-diagnose ng rare health condition na Degenerative Disc Disease (DDD) ang beteranong aktor na ayon sa anak ni Pen na si Japs Medina ay isang “condition which causes pain in the spine.”
Nuna na ring nakwento ni Japs na nakuha ito ng kanyang tatay matapos maaksidente sa banyo.
Sabi niya, “Apparently, he twisted his back (sa loob ng banyo), he hasn’t been able to get up from the couch ever since the night.
“Luma na talaga ‘yung buto niya, wala nang fluid, so the pain was coming from pagka nag tatamaan ‘yung discs niya sa spine.”
Aniya, “And then eventually we also saw there was a pinched nerve there and that’s why it was getting worse.”
Read more:
Pen Medina naoperahan na sa spine: Pero hindi pa po tapos ang aking laban…