DUMIPENSA ang GMA headwriter na si Suzette Doctolero sa mga netizens na kumukwestiyon sa Kapuso teleserye na “Maria Clara at Ibarra”.
Agad kasing nag-trending ang salitang “Noli” na mula sa “Noli Me Tangere” dahil marami sa mga netizens ang pumalag sa ginawang pagshi-ship ng Kapuso network sa karakter nina Barbie Forteza bilang si Klay at Dennis Trillo na gumaganap naman bilang si Crisostomo Ibarra o #KlayBarra.
“YUNG ABANGAN?!?!?!?! LALAYAG NA BA ANG #KLAYBARRA?!?!! Thank you for watching #MariaClaraAtIbarra #MCIHopiangDiMabili with us, mga Kapuso!!!” ayon sa tweet ng GMA Drama.
Marami tuloy sa mga netizens ang tila napataas ang kilay at nagpakita ng pagkadismaya sa panghihikayat ng love team sa “Maria Clara at Ibarra”.
Nagwo-worry kasi ang mga ito na baka mauwi ang naturang teleserye sa “kabitan” na ayaw nilang mangyari lalo na at talagang marami ang humahanga rito at mataas rin ang nakukuha nitong ratings.
Bukod pa rito ay baka mawala raw ang true essence ng “Maria Clara at Ibarra” dahil sa pagpipilit ng tambalan lalo na’t alam naman ng nakararami ang malungkot na pagwawakas ng nobela.
“Klaybarra shipper ako pero sana huwag nyung isama ang shipping discourse sa marketing strategy nyu. Coz na-oovershadow yung essence ng show. Hayaan nyu kming fans mag bardagaulan in-fandom. Space na namen kase yun. Focus lang sa show nyu, kagaya ng dateh,” saad ng isang netizen.
Comment pa ng isa, “GMA destroying crisostomo ibarra’s image of faithfulness and loyalty. 💀 if u gonna do that, u shouldn’t have touched noli and went on with a hisfic time traveling story of your own. noli has so many symbolisms that are too SACRED to be distorted. #MariaClarraatIbarra.”
“I just hope that in the middle of the kilig that we get from the main couples here, everyone still gets the message and the main plot of Noli,” sey naman ng isa pa.
Pumalag naman si Suzette sa mga tweets ng netizens at sinabing masyado na raw nasasanay sa panonood ng mga teleserye ng kabit ang madlang pipol kaya nagiging praning.
“This is a reimagined version. Tao si Klay, di bato, may isip siya, may puso. Siya ang bida ng kwentong ito, POV niya ang MCAI (Maria Clara At Ibarra). May nakilala siyang isang lalaki na ideal. Bawal magka-crush?? Magiging sila ba? Nag-sex ba?? Kakapanood ninyo yan ng kabitan kaya praning. LOLS,” saad ng GMA headwriter.
This is a reimagined version. Tao si Klay, di bato, may isip siya, may puso. Siya ang bida ng kwentong ito, POV niya ang Mcai. May nakilala siyang isang lalaki na ideal. Bawal magka crush?? Magiging sila ba? Nag sex ba?? Kakapanood ninyo yan ng kabitan kaya praning. LOLS
— Suzette Doctolero (@SuziDoctolero) October 25, 2022
Dagdag pa niya, “We are exploring, let us explore. Ako nga mahal ko si Ibarra for the kind of man he is, di ko pa namemeet, si Klay pa ba? Mahal niya rin sina Crispin at Basilio, si Sisa. Bawal magmahal? She needs to love them and own them or else lagi yan gagawa ng paraan para lumayas sa Noli.”
Aniya, sa klase raw ng ideyalismo kay Ibarra, malabo raw na maging manloloko ito.
“Sa klase rin ng idealism na mayroon si Ibarra, do you think magiging cheater siya? Come on. Hindi ito kabitan soap! Pero may emosyon dito. Kung kaming writers ay need lumabas lagi sa kahon, ganun rin ang ibang audience. Good morning!” sey pa ni Suzette.
“Sa totoo lang, kung pwede lang ipush pa: hindi malayo na maimpress o magkagusto rin si Ibarra kay Klay. Goal oriented si Klay like him, matalino, she is fiery, outspoken, and a good person. Pwede siya mafall. Match nya e. But are we going there?
“Personally, ayaw ko sa mga cheaters. They are evil people. Who makes a choice to lie, betray and hurt other people kungdi ba naman evil? Char! So kalma, and enjoy the show. Ayan, napapa hugot tuloy ako. Lols,” pagpapaliwanag pa niya.
Related Chika:
Barbie Forteza shookt sa mga papuri ng Pinoy viewers sa ‘Maria Clara at Ibarra’: Hindi po namin inaasahan ‘to!
Suzette Doctolero, Aiko Melendez kontra sa mga bumu-boycott ng isang online shopping app