Rabiya Mateo kinupkop ang drag queens na na-scam, netizens naantig sa kabutihang loob ng beauty queen
TUNAY ngang “confidently beautiful with a heart” si Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.
‘Yan ay matapos niyang tulungan at patuluyin sa kanyang bahay sa Bonifacio Global City (BGC) ang ilang drag queens mula Baguio City na na-scam o naloko ng kanilang dapat ay rerentahang lugar.
Lumuwas pa-maynila ang mga drag queens para sa isang drag queen competition na gaganapin sa BGC.
Viral ang isang Facebook post ni Peabo Bryson Orilla na nananawagan ng tulong dahil wala raw matuluyan ang mga drag artists.
Sey sa caption, “BGC area! Mabuhay! Yung Baguio Queens kasama yung reigning queen na scam ng AirBnB nila.
“Walang matuluyan kahit pag-aayusan lang for Drag Cartel mamaya.
“They need help.”
Agad namang umaksyon ang ating beauty queen na si Rabiya at tinanong sa comment, “Ilan po sila?”
Sumagot naman diyan ang isa sa mga na-scam at sinabing lima raw sila.
Reply ni Rabiya, “They can stay at my place sa bgc.
“Not that big pero they are welcome po.”
Matapos ang isang oras, muling nag-update si Peabo sa facebook at ibinandera ang isang video na makikitang kasama na nila si Rabiya sa kanyang bahay.
Sey pa sa post, “UPDATE!!! Safe na sila!!! Thank You Rabiya Mateo for the help.”
“Thank you din sa mga nag offer.”
Dahil diyan, maraming netizens ang naantig sa ipinakitang kabutihang loob ni Rabiya at narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.
“Queen with Beautiful Heart and Soul (heart emoji) Rabiya Mateo”
“Alam kasi ni Rabiya yan at na experience niya yung wala matuluyan at nakikitulog lang (heart emoji)”
“alam ni rabiya gaano kahirap walang matirahan, isa sa mga story nya e nakikitulog lang sya nung college diba”
Matatandaang nitong Oktubre lang nang ma-feature ang life story ni Rabiya sa real-life anthology drama na “Magpakailanman” at dito niya naikwento ang ilan sa mga pinagdaanan niya bago ang kanyang pagpasok sa Miss Universe.
For sure ay naka-relate ang dalaga sa mga drag queens dahil noong college pa lamang siya ay naranasan niya ring makitulog sa isang boarding house dahil wala siyang perang pambayad para makapagrenta ng sariling kwarto.
Read more:
Ian Veneracion bumilib sa galing nina Rabiya Mateo at Andrea Torres: Masaya silang katrabaho!
Rabiya Mateo may bagong ‘baby’: I started to believe in love at first sight
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.