NAGING maingay muli sa social media, lalong-lalo na sa Twitter world ang ilalabas na bagong collaboration song ng BTS member na si Jin at British rock band na Coldplay.
May nilabas kasi silang audio teaser para sa kantang “The Astronaut” na ilalabas na sa October 28.
Sa Twitter ay ibinandera ng Coldplay ang isang 36-second video na mapapakinggan ang mala-harmonic na mga boses at reaksyon ng lead vocalist na si Chris Martin na tuwang-tuwa.
The Astronaut // 28 October // 10월 28일 💜🧑🚀 pic.twitter.com/IqHoqEBBKL
— Coldplay (@coldplay) October 26, 2022
Ipinasilip naman ng talent agency ni Jin na “Hybe Labels” ang official teaser ng “The Astronaut.”
Mapapanood sa video ang ilang eksena ng K-Pop idol at isang UFO na nag-crash land umano sa isang malawak na lugar.
As of this writing, umaani ng ng mahigit 3 million views at halos isang milyong likes ang YouTube video.
Sey ng isang fan, “The ufo was too realistic. I’ve got goosebumps watching the astronaut mv teaser.”
Excited din ang isang nag-comment at sinabing, “We are all so much excited about this amazing mv, Jin we love you!”
Sabi naman ng isa pang fan, “Goosebumps, Jin’s voice is like an angel. I can’t wait to hear the full song.”
Matapos ang solo release ni Jin, nakatakda siyang sumabak sa “mandatory military service” sa South Korea.
Siya ang unang BTS member na tutuparin ito, habang susunod naman sa “enlistment” ang iba pang miyembro.
Samantala, matatandaan namang kinansela ng Coldplay ang kanilang concerts sa Brazil hanggang sa susunod na taon dahil sa “serious lung infection” na na-diagnose kay Chris.
Read more:
Jin ng ‘BTS’ may solo single na sa Oct. 28
Chris Martin ng ‘Coldplay’ may ‘serious lung infection’: Brazil concert ng banda kanselado