Bb. Pilipinas Gabrielle Basiano pinuna ang pagkanega ng Pinoy pageant fans online | Bandera

Bb. Pilipinas Gabrielle Basiano pinuna ang pagkanega ng Pinoy pageant fans online

Armin P. Adina - October 25, 2022 - 05:30 PM

Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano

Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano/ARMIN P. ADINA

MAKARAAN ang pagsabak niya sa 2022 Miss Intercontinental pageant, unang opisyal na paglabas sa publiko ni Binibining Pilipinas Gabrielle Basiano ang send-off press conference para kay first runner-up Herlene Nicole Budol sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City noong Okt. 21.

Dito niya ibinahagi ang saloobin hinggil sa asal ng maraming Pilipinong pageant fans online.

“Sana po tigilan na natin ng bangayan sa social media. Kasi, as of the moment, andami ko pa rin pong nababasa,” sinabi ni Basinao sa Inquirer sa isang panayam sa press conference para sa pagsabak naman ni Budol sa Miss Planet International pageant sa Uganda sa susunod na buwan.

Nagtangka si Basiano na makapagtala ng back-to-back para sa Pilipinas sa 2022 Miss Intercontinental pageant sa Egypt noong Okt. 14 (Okt. 15 sa Maynila), ngunit nagtapos siya sa Top 20. Umani rin ng batikos ang national costume at evening gown niya mula sa maraming pageant fans sa social media. Si Le Nguyen Bao Ngoc ng Vietnam ang tumanggap ng titulo mula sa Bb. Pilipinas predecessor ni Basiano na si Cinderella Faye Obeñita, na siyang nakasungkit sa pandaigdigang korona noong 2021.

Kasama ni Gabrielle Basiano (kanan) ang mga kapwa niya reyna ng Bb. Pilipinas na sina (mula kaliwa) Stacey Gabriel, Nicole Borromeo, at Herlene Nicole Budol.

Kasama ni Gabrielle Basiano (kanan) ang mga kapwa niya reyna ng Bb. Pilipinas na sina (mula kaliwa) Stacey Gabriel, Nicole Borromeo, at Herlene Nicole Budol./ARMIN P. ADINA

“If I were to give an advice, I hope na sa future representatives natin ng Philippines, hangga’t maari huwag po muna kayong mag-message ng anything negative, especially when it’s about something na pinerform niya onstage kasi makaka-affect ’yon,” ibinahagi ni Basiano.

Pinayuhan din niya ang mga susunod na kinatawan ng Pilipinas: “You should have a strong heart.”

Sinabi ni Basiano na masaya siyang makapasok sa Top 20 sa isang “tough” na laban, at nawa ay naipagmalaki pa rin siya ng mga Pilipino. Sa format ng patimpalak, isang kinatawan lang mula sa bawat kontinente ang makauusad sa huling yugto, ipinaliwanag niya. “But aside from that I made a lot of friends, I was able to bond with them, and I was so happy that I really enjoyed the competition,” aniya.

May mensahe rin siya para sa nagwagi, and unang reyna mula Vietnam: “Congratulations and enjoy your reign, you deserve it.”

Sinabi ni Basiano na nakita ng lahat ang mga pagsisikap ni Le Nguyen sa unang araw pa lang ng patimpalak. “It was her night. Let’s all celebrate her victory,” pagpapatuloy niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending