Darryl Yap
NAGLABAS ng saloobin ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap tungkol sa isyu ng pagbabawal o pagpapa-ban sa mga Korean series sa Pilipinas.
Maraming sumang-ayon kay Direk Darryl sa mga naging pahayag niya hinggil sa nasabing kontrobersya na nag-ugat sa suggestion ni Sen. Jinggoy Estrada.
Ito yung nabanggit ng senador na huwag nang magpalabas sa bansa ng mga K-drama at iba pang foreign series para mas suportahan ng mga Filipino ang gawang-Pinoy.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Direk Darryl ng mahabang mensahe para sagutin ang mga taong nagkokomento na sana’y mabigyan daw ng suporta ng gobyerno ang entertainment industry tulad ng nangyayari sa South Korea.
“Nakakatawa yung mga iyak nang iyak para magkaroon daw ng suporta ang gobyerno sa showbiz industry pero nu’ng Duterte Government halos ipako nila sa krus yung mga inupo sa Film seats,” simulang pahayag ni Darryl.
Pagpapatuloy pa niya, “Ngayon naman, kesa makisama sa pagbuo ng kumikita at matibay na industriya, itong mga diyus-diyosan mismo ang bunganga nang bunganga—gustong mapabagsak ang gobyerno at bumibirit ng boycott—tapos aatungal ng ‘WALANG SUPORTA ANG GOBYERNO.’
“Para sabihin ko sa inyo, panahon ni PNOY, halos buong showbiz sinuportahan siya—sa panahon nya naman nagsimulang sumadsad ang industriya. may narinig ba kayo sa mga taga-showbiz na ayaw sa kanya— WALA.
“Kasi hindi kami asong ulol na tahol nang tahol tapos mangungunang manghingi ng buto,” chika pa ng direktor ng “Maid In Malacañang.”
Dugtong pa niya, “At para may maidagdag kayo sa SUPER DAMI NYONG ALAM, yang kinaiinggitan nating KOREAN ENTERTAINMENT INDUSTRY— na sinasabi nyong fully supported ng government nila ay dumaan rin sa mahirap at kontrobersyal na desisyon.
“Baka hindi nyo alam na nagkaroon sa panahon nila na nilimitahan din nila ang foreign shows and films na pumapasok at pwedeng mapanood sa kanilang bansa, para irevitalize ang industriya nila.
“Kaso paano nyo malalaman yun? eh galing na galing kayo sa mga sarili nyo at sa mga pelikula nyong hulog ng langit na wala namang nanonood kundi nyo pa lagyan ng mga artistang tinataniman nyo muna ng issue at hype bago niyo iyabang sa mga tao,” aniya pa.
Hirit pa ni Direk, “Malayo tayo sa korean entertainment industry, hindi dahil sa gobyerno nila,
kundi dahil ayaw ng mga SUPER THE BEST, FILMMAKERS AND ARTISTS FROM GOD na magtagumpay ang industriya kung ang credit ay hindi galing sa kanila.
“Support support pang nalalaman, mga supot,” pahabol pa niya.
Darryl Yap boldyak sa netizens dahil sa eksena sa ‘Maid in Malacañang’: Gumamit pa talaga ng sulo… May aswang ba diyan?
Aljur burado na ang ‘breaking silence’ post; Kylie magsasalita na!
Cristy Fermin rumesbak kay Kylie: Wag kang turo nang turo baka mamatanda ka!