BUMIDA na naman sa buong mundo ang isa sa mga “signature dishes” ng mga Pinoy – ang adobo!
Dahil pati ang sikat na Disney character na si Mickey Mouse ay gumawa pa ng kanyang sariling recipe.
Ito ang tinatawag niyang “special chicken adobo.”
Ibinandera mismo ng verified and official page ng “Disney” ang isang poster ni Mickey kasama ang iba pang iconic characters na sina Goofy at Donald Duck na nagluto ng naturang Filipino dish.
Ipinaskil din sa page ang mga sangkap at “step-by-step” process kung paano ito iniluluto.
Ayon sa Disney, ito’y para sa “Filipino American History Month” na taon-taong ipinagdiriwang sa U.S. mula pa noong 1992.
Kalakip din sa recipe ang “fun fact” na sinasabing, “Chicken Adobo is a popular Filipino dish, and each family has their own way of making it.”
As of this writing, ang post ay mayroon nang mahigit 23,000 reactions, at mahigit 19,000 views.
Mababasa pa sa “comment section” na maraming Pinoy ang tuwang-tuwa at ibinahagi pa ang iba’t-ibang “version” ng adobo.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.
“I was married to a Filipino man for 17 years. I just made Adobo tonight the way his father taught me. It’s pretty similar to this recipe. Good job keeping it authentic.”
“This makes me so happy!!! The recipe looks legit too! Thanks, Disney.”
“Thank You for keeping it authentic and not adding any unnecessary ingredients! I leave out the sugar when I make it and add extra garlic! and the vinegar right away with the soy sauce. Every family has their own take so do what tastes best for you!”
“I Also add a little coke soda pop to the sauce. It’s great. Sweet and sour combination. Works well with pork too.”
Matatandaang noong Agosto, nakasama ang Adobo sa listahan ng “Best Stews in the World” at “100 Best Dishes in The World” ng International travel and food guide na “Taste Atlas.”
Read more:
Kim Chiu biglang naiyak habang nasa Disney World: Wala naman akong mabigat na pinagdaraanan pero…
Heart agaw-eksena sa 75th Cannes filmfest; pasabog ang suot na gown na mala-Disney Princess