Darryl Yap bad trip sa staff ng airline company: Sa lakas ng bunganga n’yo magtsismisan, alam na namin mga pinagdaanan n’yo…

Darryl Yap bad trip sa staff ng airline company: Sa lakas ng bunganga n’yo magtsismisan, alam na namin mga pinagdaanan n’yo...

Darryl Yap

INIREKLAMO ng controversial director na si Darryl Yap ang ilang crew ng isang airline company dahil sa ingay ng mga ito habang sila’y bumibiyahe.

Hindi nakapagpigil ang direktor ng “Maid In Malacañang” na maglabas ng kanyang hinaing laban sa ilang staff ng naturang airline company.

Kahapon, October 23, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, pinuna ng direktor ang ingay ng mga nagchichikahang crew ng airline na nakakaistorbo na sa mga pasahero.

Sa halip daw kasi na makapagpahinga ang nga passengers habang nasa flight ay feeling bad trip nga sila dahil sa ingay umano ng crew.

“Gusto ko lang malaman n’yo na hindi lang kami ng team ko ang walang tulog at gustong magpahinga kahit 50 mins lang ang flight mula Laoag hanggang Manila,” panimulang pagsita ni Direk Darryl.


Patuloy pa niya, “Sa lakas ng mga bunganga n’yo magtsismisan, alam na namin ang mga pinagdaanan n’yo these past few days.

“Iniyak na lang ng baby sa tabi ang irita n’ya dahil di siya makatulog dahil napakaingay n’yo.

“The mouth of the Filipino!” ang hirit pa ng direktor.

Sa comment section ng FB post ni Darryl, nag-sorry agad ang nasabing airline company (Philippine Airlines).

“Hi, Darryl. Please allow us to extend a sincere apology if our service did not meet your expectation. We certainly have no intention to cause our passengers any disservice.

“Rest assured that your feedback will be brought to the attention of the office concerned for their information and proper handling. Thank you.”

Narito naman ang ilang reakson ng netizens sa reklamo ni Direk Darryl.

“Gawan ng series yan direk Darryl Yap . MOF (Mouth of Filipino) title nia. In cooperation with Philippine Airlines. True to  life story yarn.”

“Sana mabasa ng PR 1197 CREWS, para magkaroon ng disiplina sa loob ng eroplano. Good afternoon po.”

“So far mga crew ng CebuPac and Air Asia ok naman. Tahimik and attentive at lagi nakangiti. Though Cebu Pac’s service is a total pain. Laging delay ang flights at nakakatakot mga airlines nila. Lol.”

“Same experience last Friday direk, PR 2144 Ilo-Mnl 3rd to the last row ako, sobrang lakas mgdaldalan ng FAs, alam ko tuloy sino kdate ni ate sa linggo hays PAL.”

“Sa Cebu pacific ang babait at tahimik clamga smiling face pa hindi q maiilang mag tanong. Never pa ko Naka encounter ng mataray maingay na FA ng CEBU PACIFIC.”

“As a former f/a (with CX) kasama sa training at pre-flight briefings namin ang rules: tone down voice and avoid noise both in the galley and in the cabin, be it a long or a short flight.”

“Eto Malupit din. Sa trabaho kahit tulog na tulog ka may malakas talaga bunganga walang respeto sa natutulog.. Minsan din cellphone ang lakas mag play ng videos. Pag pinagsabihan ikaw pa masama. Bulok ang utak.”

“You said it well direk. Here where I am the locals are complaining about the Filipino mouth. Bus, coffee shops, malls, everywhere even in the streets, specially on weekends.”

“Tama lang na ma-address yan. Kahit hnd FA, basic etiquette naman tlga ang magtone down ng boses sa public transport kung ayaw mapagtinginan at mahusgahan dahil bastos naman tlga un gnyan. Disiplina din tlga.”

Heart inirampa ang swimsuit na nagkakahalaga ng P40K; nagpapatayo na ng beauty company

Vice Ganda namigay ng pera sa mga ‘It’s Showtime’ staff and crew: P5,000 bawat isa!

Andrew Schimmer inireklamo ang nangyari sa asawa: Tingnan n’yo naman, hirap na hirap ‘yung tao…manas na manas

Read more...