Keempee de Leon 12 years hindi gumawa ng pelikula; bakit biglang binati ni Donna Cruz?

Keempee de Leon 12 years hindi gumawa ng pelikula; bakit biglang binati ni Donna Cruz?

Katya Santos, Christian Bables at Keempee de Leon

TWELVE years na palang hindi nakakagawa ng pelikula ang aktor at dating “Eat Bulaga” Dabarkads na si Keempee de Leon.

Kaya naman nang ialok sa kanya ng Viva Films ang romance-comedy movie na “Mahal Kita Beksman” ay talagang na-excite siya nang bonggang-bongga!

Ang huling movie pa ni Keempee ay ang “Iskul Bukol 20 Years After: The Ungasis and Escaleras Adventure” kung saan nakasama niya ang amang si Joey de Leon, at sina dating Sen. Tito Sotto at Vic Sotto.

Ang “Mahal Kita Beksman” ay idinirek ni Perci Intalan mula sa Viva Films at IdeaFirst Company na pag-aari nila ni Jun Lana.

“Ito ang first time kong gumawa ulit ng movie after a decade. Thankful ako kay Direk Perci (Intalan) kay Direk Jun Lana, at sa The IdeaFirst for giving me a break sa Mahal Kita Beksman,” saad ni Keempee sa digital media conference ng bagong pelikula niya na naganap nitong Huwebes ng hapon, October 20, 2022.

Isang transgender na parlorista ang role ni Keempee sa movie at gaganap namang anak niya si Christian Bables.

Siguradong maaaliw, matatawa, maiiyak at mai-inspire ang mga manonood sa “Mahal Kita Beksman” hindi lamang ang LGBTQ community kundi pati na ang lahat ng miyembro ng pamilya.

Iikot ang kwento ng movie kay Dali (Christian) ang nag-iisang anak nina Jaime at Gemma (Keempee at Katya Santos) na kung tawagin niya ay “Papshiekels at  Momshiekels”.

Si Dali ay mahusay na make-up artist at designer.  Hindi naman nakapagtataka dahil ang tatay niya ay namamahala sa beauty salon at ang kanyang nanay ay may dress shop.

Ang dating ni Dali ay kasing-garbo ng mga baklang nakapaligid sa kanya.  Natural na sa lahat na tignan siya bilang katulad nila na beki.


Kaya naman laking gulat nila nang malamang siya ay “straight” o tunay na lalaki.  Maging si Papshiekels ay in denial at pinipilit na isa lamang itong “phase” sa buhay ni Dali.

Pero, para kay Dali, sigurado na siya na nakita na niya ang kanyang babaeng pinapangarap – si Angel na ginagampanan ni Iana Bernardez.

Siya ang unica hija sa kanilang pamilya na puro macho. Sports coach ang tatay niya, habang ang mga kapatid niya ay nagpapatakbo ng gym at car shop.  Kung titignan, talagang hindi papasa si Dali bilang “ideal boyfriend” para kay Angel.

Sa dami ng mga hadlang, mapapatunayan ba ni Dali na karapat-dapat siya kay Angel? Magagawa bang tanggapin ng iba ang tunay niyang pagkatao? Malalampasan ba ng pag-ibig ang lahat ng pagsubok?

Ayon kay Keempee, super nag-enjoy siya sa kanyang karakter sa movie na nagawa na raw niya sa ilang proyekto niya noon kabilang na ang sitcom niya sa GMA na napanood  mula 2004 hanggang 2007.

“Ini-enjoy ko talaga yung gay role kasi nga sa Bahay Mo Ba ‘To, mas light siya at nalalaro ko yung karakter. Hindi katulad sa drama na more of emotions so medyo nade-drain ako.

“Kaya nang i-offer sa akin nina Direk Percy at Direk Jun ang project, talagang nag-enjoy at na-excite ako dahil it’s been almost a decade na wala akong ginawa na movie. Hopefully this will be the start. Sana meron pang mga susunod,” ani Keempee sa naganap na virtual mediacon ng naturang pelikula recently.

Hindi naman daw siya nahirapang gumanap na tatay sa pelikula dahil sa tunay na buhay ay may anak na talaga siya, “May daughter na po ako na 25 years old so I guess hindi na malayo yun sa age ni Christian (29 years old).

“Yung anak ko nga, parang barkada ko na lang. Minsan, napagkakamalang girlfriend ko kapag lumalabas kami.

“Sasabihin nila, ‘Sir, ang bata ng girlfriend mo.’ ‘Hindi. Anak ko ‘yan.’ So, hindi na malayo kapag nagkakaroon ako ng mga anak sa TV at pelikula na at the age of 20-plus up. Madali na yung koneksiyon.

“At kami rin ni Christian, lagi kaming nag-uusap. Nagkukuwentuhan kami habang nag-aayos, walang patid ang connection namin,” pahayag pa ni Kimpoy.

Samantala, naikuwento rin ni Keempee ang pag-uusap nila ng singer-actress na si Donna Cruz na naging ka-loveteam niya noon sa mga pelikulang ginawa niya sa Viva Films.

Ang 1990 hit ni Donna na “Kapag Tumibok Ang Puso,” ang isa sa mga kantang ginamit sa mga eksena sa “Mahal Kita Beksman”. Napanood daw ni Donna ang official trailer ng comeback movie ni Keempee.

“Even si Donna Cruz, nag-congratulate. Tuwang-tuwa siya sa trailer dahil eksakto raw yung kanta niya sa movie. Yung love team namin noong time na yun, sumikat.

“And hindi ako akalain na after so many years, maririnig ko ulit yun at nakasama pa ako sa movie. Nakakatuwa naman,” ani Keempee.

Mapapanood na ang “Mahal Kita Beksman” sa November 16.

Keempee takot na takot nang tamaan ng COVID, nagpasalamat sa ABS-CBN: Hindi kami pinabayaan…

Christian Bables sobrang bilib kay Keempee: Ang dami kong natutunan!

Zeinab kinausap si Andrew E ukol sa hit song na ‘Humanap ka ng Pangit’: Kahit pangit ngayon ay nagloloko

Read more...