Jelai Andres, Buboy Villar naki-join sa ‘hotdog party’ para sa mga inabandona at nailigtas na mga aso

Jelai Andres, Buboy Villar naki-join sa 'hotdog party' para sa mga inabandona at nailigtas na hayop

Jelai Andres at Buboy Villar um-attend sa ‘hotdog party’

PINUSUAN at kinaaliwan ng maraming netizens ang pakikipag-bonding ng Kapuso stars na sina Jelai Andres at Buboy Villar sa mga asong ni-rescue mula sa iba’t ibang lugar.

Naki-party kamakailan ang dalawang artist-vlogger sa mga asong inaalagaan ng Pawssion Project, isang non-profit organization for rescued animals.

Bumida ang mga rescued dogs sa ikaapat na anibersaryo ng Pawssion Project, kung saan nagdaos sila ng isang “hotdog party” na ginanap sa Balay Pawssion sa Bacolod.

Dito nga naging special guests sina Jelai at Buboy na parehong dog lovers at advocate ng animal welfare. Nakisaya ang dalawang Kapuso stars sa ginanap na piñata o pabitin ng hotdogs.

Talagang game na game na sumabak ang mga aso sa pagkagat at paglafang sa mga nakasabit na hotdogs. Makikita ang mga litrato na kuha sa hotdog party sa Facebook page ng Pawssion Project noong October 18.


Makikita sa ilang photos ang masayang pakikipaglaro nina Jelai at Buboy sa mga inabandona at na-rescue na aso.

At knows n’yo ba, bukod sa pagpunta sa pa-party ng Pawssion, nag-donate din si Jelai ng kanyang talent fee para sa mga pangangailangan ng mga aso.

Kilalang dog lover si Jelai, sa katunayan may mga vlogs siya sa YouTube kung saan tampok ang pagiging advocate niya sa pangangalaga at pakikipaglaban sa mga karapatan ng mga hayop.

Ilan sa mga ginagawa niya ay ang pagbisita sa mga shelters at pagpapakain at pagdo-donate ng  dog and cat food.

Ang pinaka-objective ng PAWSsion Project ay ang makahanap ng mga mag-a-adopt sa mga inabandona, pagala-gala at nailigtas na aso’t pusa mula sa mga lansangan.

Buboy Villar sinorpresa ni Jelai Andres: Ano to suhol para ma-inlove ako sa ‘yo?

Andrea Brillantes trending sa soc med, tumikim ng ‘mantika’: Sinabawang hotdog supremacy

Buboy nagtatrabaho, nagsasakripisyo para sa mga anak na nasa US: Iba pa rin yung naaamoy at nayayakap mo sila

Read more...