‘Diamond ring’, ‘red rose’ pang-dyowa reveal nga ba nina Alexa Ilacad at KD Estrada?

'Diamond ring', 'red rose' pang-dyowa reveal nga ba nina Alexa Ilacad at KD Estrada?

KD Estrada at Alexa Ilacad

ABANGERS na ang milyun-milyong fans ng Kapamilya loveteam na sina Alexa Ilacad at KD Estrada sa  magiging paliwanag ng dalawa tungkol sa kanilang viral photo.

Mainit pa ring pinag-uusapan ng mga netizens, lalo na ng mga KDLex fans all over the universe sa social media, ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon ng rumored couple.

Ito’y dahil nga sa litratong ipinost ni Alexa sa kanyang Twitter account kung saan makikita ang suot nitong kumikinang na diamond ring.

Bukod dito, kapansin-pansin din na may ka-holding hands siya na may hawak namang pulang rosas na nagpakilig talaga nang bonggang-bongga sa kanilang mga fans.

Kasunod nga nito, maraming netizens ang nagkomento na baka raw ito na ang confirmation ng  rumored relationship nina KD at Alexa.

Ang hula rin ng mga fans, si KD raw ang may-ari ng kamay na ka-holding hands ni Alexa at mukhang ito na nga raw ang sign ng unti-unting pag-amin ng magka-loveteam sa tunay nilang relasyon.

“Omaygad naririnig ko na ang wedding bells,” ang sey ng isang fan.

Sabi pa ng isang fan, “I’m praying to God to protect whatever partnership/relationship you have. I’m just a silent fan but seeing you genuinely happy like this makes me in tears.”


Halos lahat ng fans nina KD at Alexa ay nagwi-wish at nagdarasal na sana’y ang magka-loveteam na ang itinadhana hanggang sa ending. At sana’y mas marami pa silang pagsamahang projects.

Sa isang interview, ibinahagi nina KD at Alexa ang kanilang nararamdaman sa tagumpay ng KDLex loveteam.

“We had this connection even before we became a love team. Kasi it’s more than that eh. What I built with Alexa is a genuine connection, a genuine friendship, a genuine partnership that I know I can always rely on.

“That’s why I’m always with her, that’s why we’re always together,” ang pahayag ni KD.

“I really told him na I don’t want him to get into anything serious or I don’t want him to get into a relationship yet because with so many things happening to us right now, it can get overwhelming as well.

“So I thought that the smart and mature thing to do was to just focus on our work,” aniya pa.

Nagsimula ang pagiging close nina KD at Alexa nang magkasama sila bilang celebrity housemates sa “Pinoy Big Brother” na umere noong 2021.

Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging ‘dyowa’: The intent is there

Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5

Alexa Ilacad umamin na kay KD Estrada: I don’t fear the future anymore because I have you with me…

Read more...