RESBAKER at beast mode ang peg ng award-winning actress na si Nadine Lustre sa pagbwelta sa mga bashers na walang ginawa kundi ang laitin ang katawan at itsura niya.
Isa si Nadine sa mga female celebrities na palaging nabibiktima ng body shaming at hate comments ng mga netizens sa social media.
May mga pagkakataon na talagang pumapatol si Nadine sa mga bashers lalo na kapag below the belt na ang mga tira at paninira sa kanya.
Tulad na nga lang ng isang hater na nagkomento sa isa niyang litrato sa Twitter at nagsabing ibang-iba na raw ang itsura niya ngayon kumpara noong kasagsagan ng loveteam nila ni James Reid.
Sabi ng netizen, nagmukha raw siyang matanda at parang tuyot na tuyot. At hindi nga ito pinalampas ni Nadine kaya agad niyang sinupalpal ang hater.
Hirit ng aktres, “I find it so weird when people say I’ve changed and I look older.”
Ipinagdiinan pa ni Nadine na magse-celebrate na siya ng kanyang 29th birthday sa darating na October 31.
“What? Were you expecting me to be the same person when I was 21? I’m turning 29 next week,” pahayag pa ni Nadine.
Isa namang netizen ang nag-retweet sa post ni Nadine at nagkomento ng, “Gurl ang dumi at dry kasi ng balat mo kay mukha kang matanda.”
Banat naman ng aktres sa kanya, “At least di kasing dumi ng ugali mo.”
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa pambabasag ni Nadine sa mga bashers.
“Nadine girl @hello_nadine make it as a “constructive criticism” to improve more of the beauty u already have. And focus on the good things like yor MMFF Movie DELETER which is a big blessing. We U.”
“If there is one thing about you that will always stay the same is YOU BEING ICONIC.”
“Exactly!!! Plus actually when you do not have make up you look like a teenager, i guess there are still some that are having a hard time accepting that you are an explorer when it comes to your make up&fashion and of course there are those who are just plain haters so never mind!”
“Seriously? 29? but you look like 21 well people will get older that’s reality but you know what your inner beauty and pure heart doesn’t change since you was born! I love you Miss Nads! You are the epitome of beauty to me.”
“Gantihan mo rin sila ng ‘I could say the same to you’ hehe! joke lang! sagutin mo na lang ng ‘we all look older and wiser” kasi ganun naman talaga.'”
Read more:
Nadine Lustre nagpasilip ng boobs; Kathryn pinuri ng mga doktor at nurse
Nadine Lustre inspirasyon sa bagong kanta ni James Reid
Akihiro Blanco pahinga muna sa BL projects; wish makatrabaho sina Sarah, Nadine at Anne