Gifted child yarn…5-anyos na baby ni Karen delos Reyes kering-kering sagutan ang basic ‘Algebra’ equations

Karen delos Reyes with 5-year-old son Gabriel

Karen delos Reyes with 5-year-old son Gabriel (PHOTO: Instagram/@karen_delosreyes)

MARAMI ang na-shookt sa anak ng Kapuso actress-comedian na si Karen delos Reyes na si Gabriel Lucas.

Paano ba naman kasi, sa edad na 5-years-old ay kayang-kaya niyang sagutan ang “basic equations” ng Math subject na Algebra.

As far as I know mga ka-Nandera, itinuturo lang ang basic algebra pagdating ng senior high school.

Biruin niyo, mukhang nasa pre-school pa lang ang anak ni Karen pero sisiw lang sa kanya ang Algebra!

Pinlex ni Karen ang pagka-Math genius ng kanyang anak sa isang video na ibinandera sa Instagram noong Oct. 22.

Mapapanood sa video na mabilis lang na sinagutan ni Gabriel ang dalawang “Algebraic expressions” na ibinigay sa kanya.

Maraming netizens naman ang napabilib kay Gab at narito ang ilang mga nabasa naming komento.

“I could not get this even in college.”

“Halaaaa gab sure kba sa age mo hehehe ang galing.”

“Ay grabe, kainis kang bata ka, intelehente. Kaka-proud pag ganyan ang baby, bata palang nakikitaan na ng talento at karunungan, galing.”

“OMG pang-high school na yan baby Gabby. Napaka-genius talaga ng baby na to.”

Ngayong araw, Oct. 23, ang kaarawan ni Gab at binati siya ng kanyang mommy sa Instagram.

Proud na sinabi ni Karen na ang kanyang anak ang “best gift” ni God para sa kanya.

Saad sa caption, “Thank You Lord for helping me raise this boy to be a good, respectful and smart human being.

“Gabby, you are the best gift God has given me. I love you!”

Matatandaang unang sumikat ang comedian-actress dahil sa TV commercial ng isang fastfood chain na kung saan ay gumanap siya bilang Karen na apo ng isang lolo na ulyanin.

Nakilala din siya dahil sa mga kanyang pagganap sa ilang teleserye gaya ng “Click,” “Mulawin,” “Mars Ravelo’s Darna,” “Adik Sayo,” “Stairway to Heaven,” at marami pang iba.

Read more:

Italian director puring-puri ang 21 Pinoy actors sa sci-fi movie na ‘Genius Teens’

Indonesian na may ‘British accent’ viral sa TikTok, may milyon-milyong likers

P5k budget ng magdyowang nagpakasal sa Rizal viral na; wedding ring nabili sa halagang P999

Read more...