Manny, Jinkee nagpakilig sa socmed, sabay nagboksing

Jinkee, Manny Pacquiao

Jinkee, Manny Pacquiao (PHOTO: Instagram/@jinkeepacquiao)

WALANG kupas pa rin sa pagpapakilig ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao.

Sa latest Instagram post ni Jinkee noong Oct. 22 ay proud niyang ibinandera ang isang video na ipinapakitang ineensayo siya sa pagboboksing ng “Pambansang Kamao.”

In fairness, fit na fit at kayang makipagsabayan ni Jinkee sa kanyang mister.

Kalakip ng video ang caption na, “Today (strong arm emoji)” at nilagyan pa ng “Eye of the Tiger” na music.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Kilig na kilig naman ang netizens at heto ang ilan sa mga nabasa naming komento.

“Love and boxing! (heart eyes emoji)”

“Actions speak louder than words (heart emoji).”

“So adorable.”

Matatandaang, dalawang anak na ng “boxing legend” ang sumasabak sa “amateur boxing match” at pareho silang nananalo.

Gaya ng nakaraan lamang na nagwagi sa kauna-unahang “boxing fight” si Michael Pacquiao na ginanap sa Parañaque City.

Pero kaagad naman niyang nilinaw sa isang interview ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN na ito na ang huli niyang laban dahil ang nais niyang ipagpatuloy ay ang kanyang music career bilang isang rapper.

Samantala, si Michael Pacquiao naman ay kasalukuyang nag-eensayo sa ilalim ni Freddie Roach sa Wildcard Boxing Gym.

Ilang beses na rin siyang nananalo sa mga laban sa Amerika.

Read more:

Manny Pacquiao siga sa isang Korean variety show: ‘Who’s the boss here?!’

‘Pambansang Kamao’ meets ‘Pambansang Krung Krung’, Manny Pacquiao in demand sa South Korea

Michael Pacquiao ‘duguang’ nagwagi sa unang laban sa boksing, susunod na nga ba sa yapak ni Pacman?

Read more...