Vivamax Bombshell Denise Esteban nahirapan sa sex scenes nila ni Adrian Alandy: Nahiya rin ako kasi mas senior siya sa akin…

Vivamax Bombshell Denise Esteban nahirapan sa sex scenes nila ni Adrian Alandy: Nahiya rin ako kasi mas senior siya sa akin...

Adrian Alandy at Denise Esteban

TULAD ng mga baguhang sexy stars na walang takot maghubad at makipag-churvahan sa harap ng camera, nabigyan na rin ng launching movie si Denise Esteban sa Vivamax.

Unang napanood ang dalaga sa pelikula ng award-winning director na si Brillante Mendoza na “Kaliwaan” kung saan wala siyang takot na nagbuyangyang ng kanyang hubad na katawan.

Nagkaroon din siya ng mga supporting roles sa mga pelikulang “Secrets”, “Expensive Candy”, “Kinsenas Katapusan”, “Doblado” at sa mini-series na “High On Sex”.

At ngayon nga, siya naman ang ilulunsad sa pelikula ni Direk GB Sampedro na “Kara Krus” kung saan makakatambal niya si Adrian Alandy with Felix Roco and Allison Asistio.

Gaganap si Denise sa movie bilang si Adela, isang butihing maybahay ni Marvin na isang mabait at responsableng kabiyak. Subalit ang kanilang tahimik na pagsasama ay guguluhin ng pinaniniwalaan niyang kakambal na si Lena.

Makikita ni Marvin ang kaibahan ng dalawa, si Adela ay mapino at mabait at tila ba isang babae na hindi makabasag pinggan, samantalang si Lena ay isang agresibo at parang may kati sa katawan.

Sa pagkakataong ito ayon kay Adela si Lena ay nasa loob ng kanyang katawan at nais nito na siya naman ang mamuhay na normal at gagawin lahat ni Lena upang sirain si Adela upang maisakatuparan ang kanyang naisin.

Lingid sa kaalaman ni Adela sa tuwing gabi siya ay lumalabas bilang si Lena upang maghanap ng kaulayaw, hanggang sa matagpuan nito muli ang lalaki na una niyang minahal, si Jacob.

Aabot sa sukdulan ang gagawing panggugulo ni Lena sa buhay ni Adela hanggang sa mahaluan ng mga krimen ang mga dating laro -laro lamang sa kanya.

Maging si Marvin ay mapupuna ang pagbabago ng asawa lalo na sa kama, dahil may pagkakataon na agresibo ito at ginagawa ang mga bagay na di pa nya naranasan sa kanilang pagsasama.


Matutuklasan ni Marvin na huminto na pala si Adela ng pag-inom ng anti-depressant drug at sa pagbisita nito sa psychologist, dahil aside sa anxiety problem ni Adela nagkaroon din siya ng postpartum depression simula ng magsilang siya sa kanilang panganay.

At sa tuwing lumalabas si Adela sa loob ng kwarto o CR ay mula sa salamin inihahagis nito ang isang barya – kung ito’y magiging “kara” siya si Adela at kapag “krus” naman siya si Lena.

Sa pag-iimbestiga sa krimen na naganap at nagtukoy kay Adela, lalabas ang katotohanan kung sino ang gumagawa ng masama, hindi si Lena ang pumapatay, kundi si Adela upang mapagtakpan ang ginagawang kamunduhan ni Lena.

Sa virtual mediacon ng “Kara Krus”, natanong si Denise kung paano niya inatake ang role nina Adela at Lena, “First time for me to do it so nahirapan talaga ako, lalo sa part ni Lena who is wild, kasi mabait ako in real life

“But I enjoyed playing them both kasi sobrang magkaiba sila and I welcomed the challenge.

“When i read the script, kinabahan talaga ako. Kaya ko ba ito? But they made me undergo a workshop to help. And I also asked Direk GB how exactly he wants me to portray each character.

“He was a big help kasi kung minsan, nalilito ako and he’s the one who guides me. We made sure na magkaiba talaga ang personality nina Adela and Lena from one another.

“Pati sa boses nila, binago ko. At sa mga mata pa lang nila, you’d see na mahinhin yung isa at wild yung isa,” pahayag ni Denise.

Dagdag pa niya, “I’m just happy that they trusted me with this kind of role, kaya naman I made sure I gave it my all kasi I don’t want to let down their expectations.”

Kumusta naman katrabaho si Adrian Alandy bilang leading man?  “Kuya Adrian is okay, magandang katrabaho. But when I learned he’ll be my leading man, nahiya ako kasi mas senior siya sa akin.

“At malaki ang age gap namin kasi 42 na raw siya and I’m 20. But when we started shooting, hindi ko naman naramdaman na mas matanda siya sa akin.

“Naging okay naman kami, kasi mas malawak ang experience niya compared to me and he’s really very helpful lalo sa love scenes namin, dahil sobrang challenging ang mga pinagawa sa amin dito,” aniya pa.

Adrian Alandy naluha nang aminin ang isang bagay na pinagsisisihan niya hanggang ngayon

Sikat na aktor at aktres may sumpaan sa isa’t isa kapag nasa edad 35 na

Denise Esteban walang keber sa pagpapasilip ng boobs; pangarap maging tulad ni Angel Locsin

Read more...