MAINIT na usapan ngayon sa social media ang sagot ng isang contestant ng “Family Feud” na si Buunja sa jackpot round sa naturang game show ng Kapuso network.
Sa naturang jackpot round kasi ay naitanong ng TV show host na si Dingdong Dantes ang contestant kung anong parte ng katawan ang nagsisimula sa letrang “T”.
Agad namang napasagot ng “ti**” marahil na rin sa pressure sa tumatakbong oras.
Wala namang pagkabiglang mababakas sa “Family Feud” host at nagpatuloy sa pagtatanong kay Buunja.
Sa kabila naman ng papuri na natanggap ni Dingdong sa kanyang pagiging professional na sa halip na matawa ay nagtuloy-tuloy lamang ito sa pagtatanong sa contestant ay ang pagkwestyon ng ilang netizens sa naging censorship ng salitang “ti**” sa naturang show.
Ba’t kailangan i-censor ng Family Feud ang titi? E titi naman talaga ang titi. Or tite. Or utin, butò, votò, lusò, gulut in other PH languages. Is it ok to say penis & not titi? Ano problema n’yo sa titi, mas gusto n’yo ba ang burat or tarugo?
— Jerry B. Grácio (@JerryGracio) October 20, 2022
Ilan nga sa nag-react sa nangyaring pag-censor ng naturang programa ay ang Palanca awardee at dating ABS-CBN writer na si Jerry Gracio.
“Ba’t kailangan i-censor ng Family Feud ang ti**? E ti** naman talaga ang ti**. Or ti**. Or utin, butò, votò, lusò, gulut in other Philippine languages. Is it ok to say penis & not ti**? Ano problema n’yo sa ti**, mas gusto n’yo ba ang bur*t or tar**o?” saad niya.
Paglilinaw naman niya, hindi naman ito kasalanan ng programa dahil sumusunod lang ito sa mga rules ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board.
“Hindi Family Feud ang may kasalanan sa censorship ng words like titi or súso. Kasalanan ng MTRCB with their backward prudishness & misplaced values. Dapat talaga, i-abolish na ang agency na ‘yan,” dagdag pa ni Jerry.
Samantala, naging hati naman ang saloobin ng mga netizens hinggil sa pahayag ng manunulat.
Anila, tila “taboo” raw kasi ang pagsasabi nito at dahil na rin sa pagiging conservative diumano ng iba ay hindi sila sanay na mapakinggan o sabihin ito.
Samantala, wala pa namang pahayag na inilalabas ang Family Feud, GMA Network, at MTRCB hinggil sa isyu.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng bawat kampo hinggil sa isyung ito.
Related Chika:
‘Totoo nga ang tsismis…nakaka-tense, nakakaloka, nakakanerbiyos at ang saya-sayang sumali sa Family Feud!’
Dingdong Dantes magbabalik host ng ‘Family Feud’