NAIYAK ang kilalang content creator at voice talent na si Inka Magnaye nang sumakay ito sa eroplano.
Ito kasi ang first time na lilipad siya patungo sa ibang bansa kaya naman hindi niya maiwasan ang ma-overwhelm sa mga nangyayari.
Sa katunayan, ibinahagi ni Inka sa kanyang TikTok account ang video ng kanyang first international flight experience.
“I’m in another country. That’s so cool,” naiiyak na saad ni Inka.
“The Philippines was all I’d ever known, and other countries had only lived in my imagination,” dagdag pa niya.
Papunta si Inka sa Singapore kasama ang kanyang ina para sa isang trabaho at all expense paid ang kanyang unang international flight.
Kuwento pa niya, sa edad niyang 33, ito pa lang ang kauna-unahang aalis siya sa Pilipinas.
“I was shaking because I’m so happy and this is such a surreal moment for me. I recorded this in 2019, so it’s been a while, compounded by the feeling of my first-ever trip outside my country,” hayag pa ni Inka.
Ayon sa mga nakaraang TikTok video ng dalaga, hindi raw niya kaya ang mag-travel sa ibang bansa dahil sa tingin niya ay hindi niya afford ang mga gastusin pero ipinangako niya sa sarili na magtatrabaho siyang maigi para magawa ito.
Chika ni Inka, “Why haven’t I traveled before? I can’t afford it. Every time I think about traveling, it sounds so much fun, but then I think about plane tickets, accommodations, food, pocket money for whatever I need, transportation, and pasalubong.
“Long story short is I can’t afford it. As much as I know that travel would be good for me, these are expenses that I just can’t justify on my own.”
@inkamagnaye Replying to @fonz ♬ Paper Birds (3 min) – Jordan Halpern Schwartz
Aniya, naiisip kasi niya na ang gagastusin niya sa pagta-travel ay katumbas na ng gastusin niya gaya ng groceries.
Pagpapatuloy pa niya, “I’m gonna keep working hard so one day I can afford to travel. Until then, I have work opportunities like this one and really nice places we have at home.”
Naging emosyonal rin si Inka matapos marinig ang sariling boses sa kanyang pagsakay sa eroplano.
Nilinaw naman niya ang mga sinasabi ng netizens na hindi siya nakakakuha ng free flights dahil lang sa siya ang bosessa likod ng kilalang airline.
“No, I do not get free flights. That’s why when I was given the opportunity to fly here to Singapore, I was filled with gratitude. This was the first time I landed in a different country,” sey ni Inka.
Related Chika:
‘EB’ Dabarkads Inka Magnaye umaming may PCOS; inaatake ng anxiety at depression
Cebu Pacific nag-sorry kay VP Leni, piloto inaming walang basehan ang viral post
Angel rumesbak sa nagsabing ninakaw ni Kris ang alahas ni Imelda: She can afford to buy her own