Netizens super aliw kina Maggie Wilson, Tim Connor at Victor Consunji: ‘Bardagulan ng mga mayayaman!’

Netizens super aliw kina Maggie Wilson, Tim Connor at Victor Consunji: 'Bardagulan ng mga mayayaman!'

LUKANG-LUKA ang netizens sa palitan ng sagot ng tatlong personalidad na pare-parehong may legal battles sa isa’t isa – sina Victor Consunji, Maggie Wilson at Tim Connor.

Dahil sa kaliwa’t kanang kasong isinampa ni Victor sa asawang si Maggie, (yes, mag-asawa pa rin sila dahil hindi pa sila annulled) ay nagparunggit ang huli sa kanyang Instagram post ng, “If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women. #small (eggplant emoji) issues.”

Dahil sa pa-hashtag na talong ni Maggie ay nag-post naman si Victor sa kanyang Instagram stories ng nasa loob siya ng kuweba na kinunan pataas para ipakitang malaki ang butas nito.

Ang mga hashtag na ginamit nito ay “#EasyToFeelSmallin SuchABigCave, #YouKnowthisPlace IsNextToABeach, #AllICanSayIsThisBeach HasAHugeCave, and #ThisCaveMustTheRoyalty.”

Imbes na si Maggie ang sumagot sa asawa ay ang kaibigan at business partner nitong si Tim. Aniya, “A huge cave for you? Only after you told me to explore? You can’t beat European engineering @hublot.”

At dahil sa mga palitan ng posts sa kani-kanilang social media account ay enjoy na enjoy ang mga Marites dahil, “I thought rich people are full of class.”

Aliw na aliw kaming basahin ang mga komento ng netizens mula sa isang website. Tulad ng, “Kalowka, mga immature. Tacky.”

“Toxic ng pamumuhay ng mga to.”

“Money can’t buy class indeed.”

“Grabe na to, pati mga ganyan binubunyag pa in public? Wala na ba silang kahihiyan.”

May nagsabi naman ng, “Maggie started it.”

”Crazy, rich asians indeed.”

Sagot naman na hindi kasama si Maggie sa crazy rich Asians, “Si Victor lang yon and yung other guy.”

”I love the level of pettiness.”

Sabi pa, “Ganito pala ang bardagulan ng mga mayayaman.”

Sinagot naman ng isa pang netizen, “Tawang tawa ako. Bardagulan de alta.”

Sabi pa, “As I interpret, the Explorer get to discover the deepest cave of the beach and reached the end point which the goal was met. Only those with European tools can manage the huge cave of the beach gloriously. Hahaha”

“At ang disadvantage ang babae dito, kaso siya pa nauna, nag boomerang lang din sa kanya to have known by the public how big is the cave.”

“Super aliw talaga ako sa mga feud ng mga richie rich people they are just like us hahahaha!”

“The difference bet the rich and poor. The rich thru social media. The poor talakan in person in public.”

“Actually, si Victor ang OLATS dito. First, he acknowledged it.
Kung deadma ka, kasi di naman totoo, di ka affected.
Then sablay pa hirit nya. duh? Its like saying the cave is big, coz the eggplant is really small BWHAHAHAAH.”

“Ayun na nga, tapos si Tim winner kasi may European slant pa. Super Olats sa asaran si Victor.”

Pero ipinagdiinang si Maggie ang talo, “Si maggie ang dehado. Tim admitted na lumaki lang ang cave after he explored it. So malaki na nga ang cave lol.”

Payo naman ni @donnabell5049, “Baka i-cyber libel ka na nmn nyan ms. Maggie.”

Ayon naman kay @pamelalopzzz, “BURN. Thank you for being with her bad and good.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay parehong tahimik ang kampo nang tatlo dahil wala kaming nabasang bagong posts nila.

Related Chika:
Maggie Wilson malungkot ngayong Pasko: I was refused time with my son

Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Victor Consunji may ganti nga ba sa pa-hashtag ni Maggie Wilson?

Maggie Wilson, Tim Connor dineny ang pagkakaroon ng ‘affair’

Read more...