Bagong superhero film ng DC Comics na ‘Black Adam’ palabas na; Michael B. Jordan isa nang direktor

'Black Adam,' 'Creed III'

PHOTO: Warner Bros. Pictures

PALABAS na sa mga sinehan ang pinakabagong “superhero” film ng DC Comics… Ang “Black Adam.”

Siguradong action-packed ang mga eksena sa pelikula na pinagbibidahan ng Hollywood actor na si Dwayne “The Rock” Johnson.

Ang “Black Adam” ay ang kauna-unahang feature film na tinuklas ang kwento ng isang “DC Super Hero.”

Bukod sa ilang makapigil-hininga na “fighting scenes,” mapapanood din sa pelikula kung paano nabuo ang bagong hero.

Mula sa pagiging alipin at ordinaryong tao noong unang panahon sa isang siyudad sa Egypt, hanggang sa pinagkalooban siya ng napakalakas na kapangyarihan at ikinulong nang halos 5,000 na taon.

Tampok din sa pelikula ang ilang bayani ng DC Comics gaya ni “Hakwman” na ginampanan ni Aldis Hodge, “Atom Smasher” na papel ni Noah Centineo, “Cyclone” as Quintessa Swindell, at “Dr. Fate” na ginampanan naman ni Pierce Brosnan.

***

Inaabangan na rin ang “directorial debut” ng American actor na si Michael B. Jordan.

Ito ang “third installment” ng hit franchise na “Creed.”

Bukod sa pagiging direktor, muli niyang pagbibidahan ang karakter bilang Adonis Creed.

Base sa inilabas na official trailer ng “Creed III,” iikot ang istorya sa magiging sagupaan nina Adonis at ng kanyang kababata na dating binansagang “boxing prodigy.”

Tampok din sa pelikula sina Tessa Thompson, Jonathan Majors, Wood Harris, Florian Munteanu, Mila Kent, at Phylicia Rashad.

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang “Creed II” sa Marso sa susunod na taon.

Read more:

Ciara Sotto sa mga may partner na cheater: Ihatid mo sa pintuan palabas, sipain mo pa!

Nadine matapos manood ng Conjuring: Naglilinis ako ng kuwarto tapos ‘yung cabinet ko biglang bumukas, tumakbo ako palabas!

‘How to Love Mr. Heartless’ hindi muna ipapalabas sa Vivamax; ‘A Family Affair’ trending sa socmed

Read more...