Chito Miranda sa kakulangan ng suporta sa local shows: Targeting foreign shows or acts is not the solution

Chito Miranda sa kakulangan ng suporta sa local shows: Targeting foreign shows or acts is not the solution
NAGLABAS ng pahayag ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda patungkol sa kakulangan ng suporta sa mga local shows.

Sa kanyang Twitter account ay sinabi niyang hindi solusyon ang pag-target sa mga foreign shows.

“Targeting foreign shows or acts is not the solution for the lack of support towards local shows and artists. Coming up with better shows and songs, is,” saad ni Chito.

Aniya, bilang isa rin sa mga artists, kailangan rin nilang sumabay sa mga banyaga.

“As artists, kelangan lang natin galingan mas lalo para sabay tayo sa foreign acts,” pagpapatuloy ni Chito.

Bukod pa rito ay naniniwala siya na hindi lang basta basta dumarating ang suporta sa mga artists at kailangan itong paghirapan.

“’Earn’ the support. Di pwedeng sapilitan,” hirit pa ni Chito.

Umani naman ito ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol.

“They’re hypocrites. They illegally shut down a network. That’s how they ‘support’ local talent,” sey ng netizen.

Comment naman ng isa, “Iba na rin po talaga ang tinatakbo ng mga teleserye sa atin. Same plot, same story, same ending. Bilang lang na palabas ang talagang tumatak at nag take ng risk para baguhin ang nakasanayan n takbo ng storya. Tapos madaming magagaling na artists ay nasa maling story.”

“We have this crab mentality that needs to be addressed. We always want things that is imported or even support/buy foreign musics. Unless, the government will vocally support our Filipino musicians, then, the people will support and follow you and the rest,” saad naman ng isa.

Ang pahayag nga ni Chito ay lumabas matapos ang balita patungkol sa pagpaplano ni Senator Jinggoy Estrada na i-ban ang mga KDramas sa Pilipinas.

“Ang aking obserbasyon pagpatuloy tayo nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan ay itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita yung ating mga artistang Pilipino,” lahad ng senador.

 

 

Dagdag pa ni Sen. Jonggoy, “Kaya minsan pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovela ng mga foreigners at dapat ang mga artista nating Pilipino, talagang may angking galing sa pag-arte ay ‘yun naman dapat ang ipalabas natin sa sariling bansa natin.

“Kung ang pino-promote natin ay mga produkto ng Koreano, kaya nagkakaroon tayo ng halos maraming produktong Korean dito sa atin imbis na i-promote natin yung sarili natin ang napo-promote natin yung mga banyaga.”

Agad naman itong nakakuha ng atensyon mula sa madlang pipol sa social media.

Agad namang nilinaw ni Sen. Jinggoy ang kanyang pahayag at sinabing frustration lamang niya ito sa nakikita niyang kawalan ng suporta ng mga Pilipino sa ating local films and shows.

“South Korea’s phenomenal success is rooted in their love of country. It is high time that we follow their example and do the same for our own entertainment industry that is at best, barely surviving,” pagpapaliwanag niya.

Related Chika:
Jinggoy gustong ipa-ban ang mga K-drama sa Pinas, pero sey ni Robin taasan na lang ang tax ng foreign series

Hirit ni Chito Miranda sa 1st birthday ni Cash: Gusto kong sabihin na ‘wag ka sanang magbabago pero…

Jinggoy Estrada kumambiyo sa pagpapa-ban sa K-drama: Huwag naman nating balewalain ang likha ng mga kapwa nating Pilipino

Robi Domingo napiling host ng Idol Philippines; Chito Miranda, Gary Valenciano bagong mga hurado

Read more...