TILA naiiyak ang anak nina Toni Gonzaga at Paul Soriano matapos mapanood ang mga videos ng magulang na kuha sa kanilang kasal.
Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi ng multimedia star ang naging reaksyon ng anak habang pinapanood ang kanilang wedding video.
“Seve watching our wedding video,” caption ni Toni.
Makikita sa naturang video clip na tila pinipigilan ni Seve ang maiyak habang pinapanood ang kanyang mga magulang.
“Oh my God, it’s so hard to not cry. It’s so hard,” saad ng anak ni Toni.
Dagdag pa ni Seve, “It’s so hard, I’m holding it.”
Matatandaang noong June 2015 nang magdesisyong magpakasal sina Toni at Paul na talaga namang pinag-usapan ng madlang pipol noon.
At makalipas nga ng ilang taon ay nasaksihan na ng kanilang panganay ang isa sa pinakamahalagang okasyon sa kanilang buhay mag-asawa.
Kasabay ng panonood rin ni Seve ay ang muli nitong paglabas sa social media kaya namang sa ngayon ay umabot na ng mahigit 14 million views ang wedding video nina Toni at Paul.
Talaga namang hindi na nawala ang mag-asawa sa mga personalities na mainit na pinag-uusapan ng madlang pipol.
Matatandaang kamakailan lang nang mag-viral si Toni matapos itong batikusin ng mga netizens bilang pinakabagong endorser ng isang online shopping app.
At nito lang nang mag-trending naman ang asawa nitong si Paul Soriano matapos tanggapin ang alok ni Pangulong Bongbong Marcos bilang creative communications adviser.
Nitong October 17 lang nang mag-oath taking ang direktor sa harap ng presidente kasama sina Toni at Seve.
“It’s an absolute honor to be able to serve, first and foremost, of course, for the country and then, of course, for the PBBM administration,” saad ni Paul.
Related Chika:
Seve hindi aprub sa YT video nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy; vlog ni Alex ipinadi-delete
Toni takot noon na mag-showbiz din ang anak, pero ngayon: He can be whatever he wants to be…
True ba, Paul Soriano inalok ng posisyon sa gobyerno ng kampo ni Bongbong Marcos?
Toni Gonzaga, Paul Soriano present sa proklamasyon ni Bongbong Marcos