#SanaAll: Sofia Andres ipagagawa na ang dream house para sa pamilya

Daniel Miranda at Sofia Andres

MAGPAPAGAWA na ng dream house para sa kanyang pamilya ang aktres na si Sofia Andres base sa larawang ipinost niya sa ground breaking ceremony ay malaking lote ito.

Sa pagkakaalam namin ay kasalukuyang nakatira si Sofia sa bahay ng partner niyang si Daniel Miranda kasama ang magandang anak nilang si Zoe.

Sa post ni Sofia sa kanyang Instagram ay makikita ang kanyang mga larawan kasama ang mama at mga kapatid at siyempre ang mag-ama niyang sina Daniel at Zoe at staff ng construction company.

Ang caption ng aktres ay, “Our second home is finally happening. @spaceliftmnl.

“Thank Lord God for always keeping me on the right track & for guiding me every step of the way.

“Thank you @spaceliftmnl for making my dreams into reality. @mikevilli

“Special thanks to @carlitoscateringph for making our day extra special,” aniya pa.


Kaagad binati si Sofia ng ama ng kanyang anak na si @danielmirandaa_, “Congrats my love.”

Na sinagot naman ng aktres ng, “@danielmirandaa_ Thank you my love.”

Maraming kaibigang showbiz personalities na bumati rin kay Sofia. Isa na si Barbie Imperial na napakomento ng, “Yes!!”

Napa-wow naman si Jerika Ejercito, “Oh wow. Congratulations babe! This is so amazing.”

Ang kakapagawa rin ng magandang bahay at sikat na influencer na si Mimiyuuuh ay nag-comment din, “CONGRATS MS. SOFIAAAAAAA!!!!”

Sabi naman ng kaibigan ng aktres na si Loisa Andalio, “Congrats!!!!”

Hinala naman ni @iamrowenahvillasita, “I think they own this real estate.”

Hmmmm, oo nga ‘no? Hindi kaya ito ang negosyo nina Sofia at Daniel?”

Say ng aktres na si Bernadette Allyson, “Congratulations !!!”

Marian lalong na-miss ang anak nang makita ang baby ni Sofia Andres

Sofia mas naging ‘better person’ mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA

 

Read more...