Miss Earth PH 2022 Jenny Ramp nagluluksa sa pagpanaw ng ama: ‘Rest easily, daddy…’

Jenny Ramp

NAGDURUGO ang puso ngayon ng ating kinatawan sa Miss Earth 2022 pageant na si Jenny Ramp dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na naka-base sa ibang bansa.

Sa pagkakaalam namin ay tila hindi masisilip ni Jenny ang kanyang tatay dahil naghahanda na siya para sa Miss Earth 2022 competition na gaganapin ngayong Nobyembre sa Okada Manila.

Daddy’s girl si Jenny dahil lahat ng pangarap nito sa buhay ay suportado ng ama mula bata hanggang sa pagkapanalo niya bilang Miss Earth Philippines 2022 nitong nagdaang Agosto.


Ipinost ng dalaga sa kanyang Instagram account ang mga larawan nilang mag-ama simula bata pa siya hanggang sa nakamit nito ang titulong Miss Earth Philippines 2022.

Ang caption dito ni Jenny, “Rest easily, daddy. If you had just held on for a little longer you would’ve seen me complete my dreams, representing our Philippines on the international stage. I hope to make you proud up there on all my future endeavors. I love you.”

Ang saya-saya pa naman ni Jenny nang huli namin siyang makatsikahan para sa Glutanex skin care product na matagal na pala niyang ginagamit kaya sumakto nang mag-guest siya sa launching nito sa SM Mall of Asia.

Kinlaro ni Jenny na hindi siya ang endorser nito sa Pilipinas lalo’t manggagaling sa Korean Team ang approval nito dahil ang Korean actress na si Song Ji Hyo ang brand ambassador nito na nakatakdang pumunta ng Pilipinas sa 1st quarter ng 2023.

Aniya, “Skincare is a priority because there will be lots of restless nights. Every day there’s going to be an activity. We’re going to be sweaty, we will feel dirty, and we’re going to be wearing a lot of makeup, so it’s really important to have a proper skincare routine.

“Wear a lot of makeup and on some days, it’s heavier than what I am wearing now. So It’s really important to take care of my skin and I use these amazing products,” aniya.

Samantala, ang Miss Earth Philippines ang unang beauty pageant na sinalihan ni Jenny at sinuwerte nga siyang manalo.

Tarlaqueña kinoronahang Miss Philippines Earth 2022 sa Coron, Palawan

Daniel inialay kay Kathryn ang kantang ‘Last Night On Earth’ ng Green Day: You are the moonlight of my life!

Read more...