PROUD na ibinandera ng YouTube star at vlogger na si Wil Dasovich ang kanyang bagong “milestone” matapos sumali sa isang patimpalak sa Nepal.
Siya ang nagwagi sa “World Vlog Challenge” na kung saan ay nirerepresenta niya ang ating bansa.
Natalo niya ang sampu pang content creators mula sa iba’t-ibang bansa kabilang na ang India, Colombia, Amerika, Thailand, at Nepal.
Hindi basta-basta ang sinalihang video challenge ni Wil, dahil bukod sa kailangang akyatin ang “Mt. Everest,” ang pinakamataas na bundok sa buong mundo ay dapat silang makabuo ng isang “awareness video” na tinatalakay ang masamang epekto ng “climate change” sa “Himalayan glaciers.”
Kung hindi niyo pa knows, sa Himalayan glaciers nagmumula ang tubig ng malalaking ilog sa Asya.
Sa Instagram, ibinandera ng pinoy vlogger ang video na kung saan ay tinanggap niya ang parangal.
Ikinuwento pa niya sa kanyang acceptance speech kung gaano kahirap buuin ang video na ginawa niya sa loob ng isang buwan.
Sey niya, “As a content creator, it’s extremely difficult to make a piece that is both entertaining and meaningful, and has an impact to the world.”
“It’s something that I and many creators struggled with, because it’s easy to be entertaining and get a lot of views and it’s easy to make a piece that’s informative but it’s really difficult to combine those two together,” aniya.
Patuloy pa niya, “So the amount of work it took to create this vlog was easily more than a month, including the two weeks of hiking, the weeks of editing, the weeks of writing this out and to see this recognition like this means a lot and I was getting emotional ‘cause there’s so much that we all went through during that hike.”
Bukod pa sa speech, sinabi niya sa kanyang IG post na para sa Pilipinas ang kanyang panalo.
“I just want to make you all proud & it’s moments like these where I get to represent an entire country that make me feel like I’m creating an impact,” caption ni Wil.
Nabanggit din niya na dahil dito ay masasabi niyang ito ang “highest accomplishment” niya bilang content creator.
Sey niya, “This single Nepal video was arguably the most difficult video to produce to date and getting millions of people to watch these carefully crafted mini documentaries that promote a meaningful cause is the highest accomplishment I can achieve as a content creator.”
Read more:
Wil Dasovich may ‘pa-meet the parents’ kay Carla Humphries: Huwag kang maarte and it should be OK…
Wil Dasovich naka-move on na nga ba kay Alodia, may bago na ring dyowa?