Paul Salas feeling lucky na makatrabaho ang GF na si Mikee Quintos sa ‘The Flower Sisters’, umaming nag-struggle sa taping

Paul Salas feeling lucky na makatrabaho ang GF na si Mikee Quintos sa 'The Flower Sisters', umaming nag-struggle sa taping

Paul Salas at Mikee Quintos

MAY special participation ang Kapuso couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas sa pinakabagong primetime series ng GMA, ang “Mano Po Legacy: The Flower Sisters.”

Bida sa nasabing serye sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino at Angel Guardian. Humarap ang cast members sa entertainment media sa ginanap na presscon last Friday, October 14, kasama nga sina Mikee at Paul.

Si Paul ang gumanap na young Lloyd Samartino sa “The Flower Sisters” at si Mikee nga ang kanyang love interest.


Isang malaking karangalan daw para kay Paul ang mapasama sa third installment ng “Mano Po Legacy” series mula sa GMA 7 at Regal Entertainment.

“Masaya hindi lang dahil katrabaho ko ang aking girlfriend, kundi growing up, pinapanood ko na po ang Mano Po at alam ko na bawat mga actor at actress na pumapasok sa show na ito e, talagang magagaling at marunong sa pag-arte. Isang karangalan na mapasok po sa show na ito,” pahayag ng Kapuso hunk.

Malaking hamon din daw para sa kanila ni Mikee ang mapasama sa “The Flower Sisters” dahil ito nga unang pagkakataon na magkakatrabaho sila para sa isang project bilang magkarelasyon sa tunay na buhay.

“Challenge po para sa aming dalawa dahil first time namin na magkatrabaho as kaming dalawa, mag-girlfriend at boyfriend.

“Challenge po para sa akin dahil may mga adjustment sa first two or three taping days namin, pero maganda naman ang adjustments at sana po, hopefully, na-push through namin,” chika pa ni Paul.

Sabi naman ni Mikee, “I think yung struggles na nasasabi ni Paul, since it’s my first time na makasama sa set ng tao na dine-date ko, yung confusion.

“Confusion na minsan, nasa work ka, nasa set ka, ‘tapos you’re with someone you’re really close with. We talk about it na imbes na maging weakness namin iyon, I think we both agreed na we should use it as strength sa set,” ani Mikee.

“At least, dalawa kaming nag-iisip kung anong puwedeng… paano pagagandahin yung characters at mas buhayin sina Leopoldo at Carmen sa aming dalawa.

“Gusto naming hindi makita sa mga eksena yung Mikee at Paul. Basta gusto namin na makita nila sina Carmen at Leopoldo,” dagdag pang chika ni Mikee tungkol sa mga karakter nila sa “The Flower Sisters.”

Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Paul Salas napahiya sa taping, gusto na sanang mag-quit sa showbiz: Sabi ko, ayoko na!

Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

Read more...