PATAY sa pamamaril ang isang barangay konsehal sa Lanao del Sur.
‘Yan ay matapos magsagawa ng “manhunt” ang pulisya laban sa isang teroristang grupo na nasasangkot din sa ilegal na droga.
Kinilala ang nasawi bilang si Abuhanan Dimaporo Sultan, ang konsehal ng Barangay Limogan sa Saguiaran.
Base sa police report, nagkaroon ng isang anti-drug operations sa lugar.
Papatakas na raw sana si Sultan pati ang tatlo pa nitong kasamahan nang nahuli sila ng mga pulis.
Nakipagbarilan daw ang apat sa mga pulis at napatay sa “shootout” ang konsehal.
Si Sultan ay isang “high-value” target ng pulisya.
Unang namataan ang mga suspect sa Marawi City at patungo sa bayan ng Saguiran.
Isang tracker team ang nag-verify sa presensya ni Sultan at agad namang isinagawa ang operasyon.
Nakuha ng mga pulis mula sa bag ni Sultan ang 300 grams na “meth” na may halaga na mahigit dalawang milyong piso, at isang .45-caliber na baril.
Ayon pa sa mga nakakakilala sa konsehal, may koneksyon umano ito sa teroristang grupo na kung tawagin ay “Dawlah Islamiya” na isang ISIS-inspired group.
Read more:
Christopher de Leon: Nalulong ako sa masamang bisyo, I was taking all the drugs…