Aiko, Beauty, Thea, Angel umaatikabong bardagulan sa ‘The Flower Sisters’; patalbugan din sa lafangan
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Angel Guardian, Thea Tolentino, Beauty Gonzalez at Aiko Melendez
SIGURADONG umaatikabong bardagulang aktingan ang magaganap sa inaabangang third installment ng “Mano Po Legacy: The Flower Sisters.”
Promise ng apat na bida-kontrabidang sina Aiko Melendez, Thea Tolentino, Angel Guardian at Beauty Gonzalez, bawat episode ng “The Flower Sisters” ay tatatak at magmamarka sa mga manonood.
Iikot ang kuwento ng bagong handog ng “Mano Po Legacy” sa Chua sisters, ang apat na magkakapatid sa ama, na maglalaban-laban at magpapatalbugan para sa kanilang mga ambisyon sa buhay.
Gagampanan ni Aiko ang karakter ni Lily, si Beauty naman si Violet, si Thea si Dahlia at si Angel si Iris, ang pinakabunso sa magkakapatid.
Ngunit kahit maiinit at super intense ng mga eksena sa bago nilang serye, napakasaya raw nila lagi sa set.
“Grabe sa taping namin, sobrang saya lang lagi. It’s always nice to report to the set na ganoon ‘yung rapport mo with your co-actors. It’s just a fun set.
“Tawa lang kami nang tawa kaya nagpapasalamat ako sa pagkakataong nakatrabaho ko silang tatlo,” ani Aiko sa ginanap na presscon ng “The Flower Sisters” last Friday, October 14.
Sey naman ni Beauty, natupad na ang matagal na niyang pangarap nang dahil sa “Mano Po Legacy: The Flower Sisters.”
“It’s my dream to be working with Aiko since sa kabilang station pa and now it’s finally happening. Thank you Mano Po for making this happen. One of my bucket list, okay na,” pahayag ni Beauty.
“I’m so happy and lucky to be working with young stars also. Bumabagets kami dito. Ang saya-saya.
“I mean every day going to work, tawa kami ng tawa talaga. Blessed na kami sa ganoon na magaan ‘yung loob mo ‘pag pumunta ka sa trabaho, malaking bagay,” aniya pa.
Kuwento naman ni Thea, sa serye lang daw nagaganap ang patalbugan ng four sisters, “Off-cam wala. Patalbugan lang sa kung sinong magdadala ng pagkain. Minsan sabi nila, ako na po. Sige ako na next taping.”
Feeling lucky and blessed naman si Angel dahil siya ang napiling gumanap na Iris, kasabay ng pag-amin na matinding nerbiyos ang naramdaman niya noong magsimula ang kanilang taping.
“At first talagang intimidated ako by Ms. Aiko, Beauty Gonzales kasi siyempre naman po kilala natin sila na napakagaling na aktres. Pero excited din akong matuto,” pahayag ni Angel na napapanood din sa Kapuso reality game show na “Running Man Philippines.”
“Nag-audition po ako rito and I was so happy when I was informed na nakuha ako. Siyempre, malaking pressure that I will be acting with more established co-stars. Pero napakababait nila and very helpful to a newcomer like me.
“I’m always on my toes when I’m doing a scene with them dahil ayokong mapahiya ako sa kanila, puro sila magagaling,” sey pa ng aktres.
Kasama rin sa serye sina Mikee Quintos, Paul Salas, Kimson Tan, Dustin Yu at marami pang iba. Magsisimula na ang “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” sa October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.