Bianca King may iniiwasang 2 sakit kaya todo workout kahit buntis: ‘Building strength for natural childbirth’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Bianca King
KINAKARIR ngayon ni Bianca King ang pagwo-workout habang nasa second trimester na siya ng kanyang pagbubuntis.
Kasabay nito ipinaliwanag ng aktres sa kanyang social media followers kung bakit kailangan niyang mag-exercise kahit ilang buwan na siyang nagdadalang-tao.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Bianca ng ilang litrato ng ginagawa niyang workout routines at sinabing ginagawa niya ito bilang preparasyon sa kanyang panganganak.
“Building strength for natural childbirth. Trying to minimize my risk of getting gestational diabetes and preeclampsia by exercising and eating healthy,” aniya sa unang bahagi ng inilagay niyang caption s kanyang IG post.
Ngayon pa lang daw siya nakakapag-adjust sa nadagdag na 20 extra pounds sa kanyang tummy. Hinihikayat din ng aktres ang lahat ng buntis na manatiling physically active ngunit kailangang kumonsulta muna sa raw sa doktor.
“Before any exercise, consult with your midwife or OB. It’s best to be guided by a professional trainer like @rebelwithus and @_katdaroza for the correct form then you can do it on your own.
“These pregnancy exercises are low impact and fairly easy to follow! Keep it up mamas,” dagdag pa niyang paalala.
Kamakailan, nagbahagi rin si Bianca sa publiko ng mga naging pagbabago sa buhay niya sa unang mga buwan ng kanyang pagbubuntis.
“The 1st trimester is a crucial stage in every pregnancy. It could be very isolating if you’re not ready to tell anyone.
“I was open with as many people as I could be. I needed the support. Just in case something happened,” aniya.
Ikinasal si Bianca sa kanyang husband na so Ralph Wintle noong June, 2021. Naka-based sila ngayon sa Sydney, Australia.
Ang mister ng aktres na si Ralph ay kapatid ng asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle. Buntis din ngayon si Iza sa first baby nila ng kanyang asawa.