Aga Muhlach balik sa pagiging game show host; Mariel Padilla napuyat kaka-online selling

Aga Muhlach balik sa pagiging game show host; Mariel Padilla napuyat kaka-online selling
BABALIK na ang game show ni Aga Muhlach na “Tara Game, Agad Agad Level Up” simula bukas, Linggo, Oktubre 16.

Mas pinabongga at pinagandang season ng pinaka Tara Game, Agad Aga dang pagbabalik bilang game master na si Aga na excited sab ago nitong season.

Sa isang video, sinabi ni Aga, “I’m really excited for season 3. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal yung Tara Game, Agad agad. It’s been my favorite since we started the show’.

Maglalaban laban ang apat na contestant hanggang sa isa na lamang ang makarating sa final round. Mag-uunahan sila na magkaroon ng points sa pamamagitan ng pagsagot sa iba’t ibang tanong. Makikita muna nila ang mga posibleng sagot at may pagkakataon silang sagutin ito o ipasa sa kalaban. At ang kakaiba sa season na ito? Kasama na rin sa kasiyahan ang mga taong nasa labas ng studio.

Sabi pa ng TV host/actor, ‘We’re also excited, kasi mas malaki yung pa-premyo namin. So yung P20, 000 mo, kapag umabot ka ng jackpot round, puwedeng umabot ng P180,000, may pagbabago din sa jackpot round, kaya abangan niyo dahil excited talaga ako sa season 3 and 4.”

Hindi nagtatapos ang surpresa para sa TGAA Season 3 dahil dalawa ang co-host na makakasama ni Aga, ang Filipino- Japanese social media star, Yukii Takahashi at ang ating favorite Brazilian actress at host na si Daiana MenezesSila ang magbibigay saya sa publiko sa pamamagitan ng TGAA LEVEL UP games.

Ayon kay Daiana, “Nasa remote area ako, may mga ini-interview ako, kailangan magtugma yung sagot ng mga nasa studio sa mga ini-interview ko”.

Excited din siya na maging parte na “Tara Game, Agad agad: Level Up” lalo na at makakasama nya si Aga at Yukii “sobrang natutuwa talaga ako, because passion ko talaga yan. I’m really happy that NET25 is giving us this opportunity especially kasama ko dun si Aga Muhlach and i- welcome na din natin (sa NET25) si Yukii na very talented”.

Nagpapasalamat naman si Yukii para sa oportunidad na ibinigay sa kanya, “I feel so happy and honored na part at pinagkatiwalaan ako ng NET25 to co- host with the one and only Aga Muhlach! It’s a Dream Come true to finally be part of a show which kinonsider ako na mag co- host at Regular Show sa NET25’

Dagdag pa ni Daiana, “This new season, abangan nila because it’s more fun, more pa-premyo,humanda sila sa physical challenges at yung segment ko na “Tara Fun”.

Sabi nga, ‘Agad-agad ang kasiyahan, Agad-agad ang papremyo” kaya naman siguruhin na manood ng TGAA Level Up tuwing linggo, 7PM.

* * *

Dahil napuyat si Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang live selling nitong Biyernes na inabot ng madaling araw ay plano sana niyang magtutulog ngayong araw, Sabado per hindi nangyari dahil ginawa siyang canvas ng mga anak niyang sina Isabela at Gabriella.

PInost ni Mariel ang mga larawang ginuguhitan ang mukha niya ng dalawang anak gamit ang kanyang mga make-up

Ang caption ni Mariel, “Yung nag live selling ka from 8pm – 2am, so, ang ang plan ay matulog buong Saturday pero hindi ma-achieve because ‘yung kids mo ang alam na canvas mukha mo. Kakaiba because first time na pati ‘yung loob ng nostril minake-upan din nila hahaha.

“We had another successful live selling last night!!!! Big big big thanks to all our serious miners na nakisaya at nagsipuyat kasama namin to get the best deals.

“Thank you sooo much!!!! So proud of our line up last night ang daming pamigay prices to the max!!! Inyooo na talagaaaa!!!

“To our hard working team yaaaaay!!! @geneva_silva mam Gen thank youuu from appraising to dispatching (we will start deliveries on Wednesday daw)
@mickeysee our major hunter super happy kasi ang prices ni Queen P with a heart talaga. Also for doing my make up na never nahulas..

“And ofcourse whenever I got tired and needed a snack thank you big time to @delmontephil Mr.Milk By Delmonte and Delmonte’s Fruity Munchters are really the best kaya favorite na snack ng kids ko check them out and order from shopee, lazada and kitchenomics,com.

“ Thank you sooooooo much!!!!!!!!!!! Also to the celebs who trust me with their luxury items so so grateful for everything! See you on our next.”

Related Chika:
Aga Muhlach payag gumawa ng serye basta sa Baguio ang location, may payo kay Elijah Canlas

Aga nag-explain sa pagsusuot ng pula: Pagdating sa mga gulu-gulo, ayaw ko talagang sumali

Aga napiling host sa bagong game show ng NET 25; Aiko, Jay 4 years nang magdyowa

Read more...