PINANINDIGAN ni Joyce Pring ang kanyang naunang pahayag sa nagdaang podcast episode niya na “Unpacking Christianity” kasama si Wil Dasovich.
Matatandaang nag-viral ang video ng social media personality kung saan sinabi niya na ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos o ang mga non-believers ay hindi makapupunta sa langit.
At dahil nga sa kaliwa’t kanang pambabatikos na natatanggap ay naglabas na si Joyce ng kanyang pahayag hinggil sa isyu.
“I’ve seen many things said about me in the past 2 days — mean things, horrible names, false stories,” panimula ng social media personality.
Pagpapatuloy ni Joyce, “So I just want to clear the air here and say this: some of you guys are absolutely right; I’ve been a bad person.”
Aniya, maari raw na mas malala pa siya sa kung ano ang iniisip sa kanya ng mga tao. May mga nagawa na siyang mga maling desisyon sa buhay, may mga tao na siyang nasaktan, may mga pagkakamaling nagawa kaya ito nga raw ang dahilan kung bakit naniniwala siya sa gospel ng Panginoon.
Saad ni Joyce, “That’s precisely why I believe in the gospel of Jesus Christ – that salvation comes only through Him; not through our works, or by our own merit. Jesus died on the Cross precisely for hopeless, depressed, sinful people like me — because I’d have no chance at Heaven if it were just up to me.”
Sey niya, labis raw ang pagmamahal sa atin ng Panginoon kaya ginamit niya ang kanyang anak para iligtas ang sangkatauhan
“Yes, we are sinful. But He died on the Cross and bore our sin and shame not only so that we can be saved, but also that we would be transformed, renewed, and experience what True love, peace, and joy mean. All we need to do is humble ourselves to believe and repent,” paglalahad ni Joyce.
Dagdag pa niya, “This is the greatest gift I have ever received — by grace alone, through faith alone, in Christ alone. I used to be a shameful sinner, and now I am STILL an imperfect, bruised, calloused, wonky, Christ-follower.
“But by the grace of God, I have surrendered my life to Him and continue to walk with Him through all seasons — because I know that true life can only be found through Him.”
Hangad rin ni Joyce na mapanood ng mga netizens ang full episode ng kanyang podcast na pinamagatang “Unpacking Christianity” kasama si Wil Dasovich para maintindihan na rin ng mga ito ang kanyang pinaniniwalaan.
Hirit pa niya, “Love you guys. And I mean, all of you.”
Related Chika:
Joyce Pring naniniwalang hindi tatanggapin sa langit ang mga ‘non-believers’, netizens napataas ang kilay
Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal
Joyce Pring umaming maraming pinagdaraanan ngayon, buong pamilya ang may sakit