UNTI-UNTING inuukit ng Vietnam ang puwang nito sa global pageant arena nang masungkit nito ang una nitong panalo sa Miss Intercontinental sa pagtatapos ng ika-50 edisyon ng pandaigdigang patimpalak na itinanghal sa Sharm El Sheikh sa Egypt noong Okt. 14 (Okt. 15 sa Maynila).
Dinaig ni Le Nguyen Bao Ngoc ang 70 iba pang kalahok upang mahirang na “the most beautiful woman of all continents” makaraan ang isang taon lamang mula nang makuha ng kababayang si Nguyen Thuc Thuy Tien ang unang panalo ng Vietnam sa Miss Grand International pageant. Unang nakatamasa ng malaking panalo ang naturang bansa sa Timog-Silangang Asya nang hiranging Miss Earth si Nguyen Phuong Khanh sa Pilipinas noong 2018.
Tinanggap ng bagong Miss Intercontinental ang titulo niya mula sa reyna noong isang taon, si Binibining Pilipinas Cinderella Faye Obeñita na pangalawang Pilipinang nagwagi sa pandaigdigang patimpalak.
Si Karen Gallman ang nagtala ng unang panalo ng Pilipinas nang magwagi siya sa 2018 Miss Intercontinental pageant na itinanghal sa Pilipinas. Ngayong taon, nagtapos sa Top 20 si Bb. Pilipinas Gabrielle Basiano.
Hinirang din si Le Nguyen bilang Miss Intercontinental Asia and Oceania nang mapabilang siya sa Top 6. Ginawaran din ng mga espesyal na titulo ang iba pang nakapasok sa huling yugto ng patimpalak bago nila tanggapin ang kanilang panghuling puwesto.
Hinirang na first runner-up si Mariela Pepin ng Puerto Rico na Miss Intercontinental North America rin. Second runner-up naman si Miss Intercontinental South America Tatjana Genrich ng Brazil.
Third runner-up si Miss Intercontinental Africa Joy Raimi Mojisola ng Nigeria, habang fourth runner-up si Miss Intercontinental Europe Tatjana Genrich ng Germany na Best in Swimsuit din.
Fifth runner-up si Emmy Marianne Carrero Mora ng Venezuela, na tinanggap din ang titulong “Power of Beauty.”
Dalawa pang reyna ng Bb. Pilipinas ang makikipagtagisan sa pandaigdigang entablado ngayong buwan. Pakay ni Chelsea Fernandez ang back-to-back para sa Pilipinas sa Miss Globe pageant sa Albania sa Okt. 15 (Okt. 16 sa Maynila), at tatangkain naman ni Roberta Tamondong na mabigyan ang Pilipinas ng unang panalo sa Miss Grand International sa Indonesia sa Okt. 25.sa pagtatapos ng ika-50 edisyon ng pandaigdigang patimpalak na itinanghal sa Sharm El Sheikh sa Egypt noong Okt. 14 (Okt. 15 sa Maynila).
Dinaig ni Le Nguyen Bao Ngoc ang 70 iba pang kalahok upang mahirang na “the most beautiful woman of all continents” makaraan ang isang taon lamang mula nang makuha ng kababayang si Nguyen Thuc Thuy Tien ang unang panalo ng Vietnam sa Miss Grand International pageant. Unang nakatamasa ng malaking panalo ang naturang bansa sa Timog-Silangang Asya nang hiranging Miss Earth si Nguyen Phuong Khanh sa Pilipinas noong 2018.
Tinanggap ng bagong Miss Intercontinental ang titulo niya mula sa reyna noong isang taon, si Binibining Pilipinas Cinderella Faye Obeñita na pangalawang Pilipinang nagwagi sa pandaigdigang patimpalak.
Si Karen Gallman ang nagtala ng unang panalo ng Pilipinas nang magwagi siya sa 2018 Miss Intercontinental pageant na itinanghal sa Pilipinas. Ngayong taon, nagtapos sa Top 20 si Bb. Pilipinas Gabrielle Basiano.
Hinirang din si Le Nguyen bilang Miss Intercontinental Asia and Oceania nang mapabilang siya sa Top 6. Ginawaran din ng mga espesyal na titulo ang iba pang nakapasok sa huling yugto ng patimpalak bago nila tanggapin ang kanilang panghuling puwesto.
Hinirang na first runner-up si Mariela Pepin ng Puerto Rico na Miss Intercontinental North America rin. Second runner-up naman si Miss Intercontinental South America Tatjana Genrich ng Brazil.
Third runner-up si Miss Intercontinental Africa Joy Raimi Mojisola ng Nigeria, habang fourth runner-up si Miss Intercontinental Europe Tatjana Genrich ng Germany na Best in Swimsuit din.
Fifth runner-up si Emmy Marianne Carrero Mora ng Venezuela, na tinanggap din ang titulong “Power of Beauty.”
Dalawa pang reyna ng Bb. Pilipinas ang makikipagtagisan sa pandaigdigang entablado ngayong buwan. Pakay ni Chelsea Fernandez ang back-to-back para sa Pilipinas sa Miss Globe pageant sa Albania sa Okt. 15 (Okt. 16 sa Maynila), at tatangkain naman ni Roberta Tamondong na mabigyan ang Pilipinas ng unang panalo sa Miss Grand International sa Indonesia sa Okt. 25.
Related Chika:
Gabrielle Basiano handa nang lumaban sa Miss Intercontinental 2022; target ang back-to-back win para sa Pinas
Catriona Gray sinalubong ng Vietnamese fans, guest judge sa Miss Universe Vietnam
Cindy Obeñita naiuwi ang 2nd Miss Intercontinental crown ng Pilipinas