PINATUNAYAN ng aktres at singer na si Maymay Entrata na “certified” siyang kabogera!
Sa mga hindi pa nakakaalam, nominado siya sa MTV Europe Music Awards bilang “Best Asia Act” ngayong taon.
Oo, mga ka-bandera, tila hindi na ma-reach si Maymay dahil pang-international na ang kanyang talento.
Ang magandang balita, ibinandera mismo ng pinay actress sa isang Instagram post.
Ibinahagi niya ang isang poster na nanggaling sa MTV EMA at lubos na nagpapasalamat sa pagkilala ng kanyang kanta.
Caption niya, “A huge thank you po to @mtvema for recognizing my song and giving me the privilege to be with the other amazing artists, nominated in this category!”
Hindi rin niya pinalagpas na pasalamatan siyempre ang kanyang fans.
Sey pa niya, “At sa mahal kong kabogeras, di tayo aabot dito kundi dahil po sainyo, maraming salamat po.”
Nag-post rin ang MTV Asia sa Twitter at ipinakita ang iba pang nominado sa nasabing kategorya.
Kalaban ni Maymay sa “Best Asia Act” ang Indonesian singer-songwriter na si NIKI, J-pop group na “The Rampage from Exile Tribe”, Thai singer na si “SILVY,” at South Korean boy group na “Tomorrow x Together.”
Paramihan ng online votes para manalo sa nasabing kategorya.
Sabi nga sa post, “Vote for your fav nominee now and they might be your 2022’s MTV EMA Best Asia Act!”
Time for you and your fav to make history! 🙌 Vote for your fav nominee now and they might be your 2022’s MTV EMA Best Asia Act! 🏆@maymayentrata07 @nikizefanya @silvymusic_ @therampagefext @TXT_bighit #MTVEMA #BestAsiaAct
Vote here: https://t.co/251ZEhlLOV pic.twitter.com/BV3CnkehzH
— MTV Asia (@mtvasia) October 12, 2022
Matatandaang noong nakaraang taon ay inilabas ni Maymay ang kanyang hit single na “Amakabogera” bilang parte ng kanyang third album na “MPOWERED.”
Read more:
Maymay Entrata kering-kering lumaban sa Bb. Pilipinas at Miss Universe PH, pero