TRENDING ngayon ang social media personality at podcaster na si Joyce Pring dahil sa kanyang kontrobersyal na pahayag patungkol sa mga non-believers o hindi naniniwala sa Diyos.
Kalat na kalat na rin sa social media ang video clip na nagmula sa podcast ni Wil Dasovich kung saan tinanong niya ang dalaga kung makakapunta ba ng langit ang mga taong hindi naniniwala na may Diyos.
“Do you believe the non-believer can go to heaven?” tanong ni Wil.
“A non-believer… as in somebody who doesn’t believe in Jesus? No,” sagot ni Joyce.
Mukha namang nabigla si Wil sa naging sagot ng kausap at muli itong tinanong, “What will happen to them?”
Tugon ni Joyce, “They gonna face judgment. Will go to hell.”
“My God, that is so brutal!” magkahalong bigla at tawang saad naman ni Wil.
“What? You’re asking me an honest question… I’m giving you an honest answer,” tumatawang sabi naman ni Joyce.
Nagpatuloy pa ang kanilang pag-uusao at natanong pa ni Wil kung ano ang mga gagawin ng non-believers sa impyerno.
“Suffer in eternity? Forever…” sey ni Joyce.
Bukod pa rito, napag-usapan rin nila kung hindi ba mapagbibigyan ng chance ang isang tao at patawarin ng Diyos sa nagawang kasalanan.
Para kay Joyce, pinapatawad ng Diyos kung sino ang mga taong nagre-repent o buong pusong humihingi ng kapatawaran sa mga kasalanang ginawa nila at ito nga raw ang dahilan kung bakit ipinako si Hesus.
Inihintulad pa nga niya ang sitwasyon sa loob ng korte.
Sey ni Joyce, “I think, what makes Christianity beautiful is that you don’t have to work for heaven, Jesus already did that for you. And so the only thing that you have to really realize is to accept that gift,” sey ni Joyce.
”What is the gift? The gift is we’re sinners and God is a holy God- let’s say we are in l courtroom and God is the judge and you’re the criminal. Would God be a good judge if He just said ‘Okay sige, ‘wag na, you’re free.
“Like you killed someone in your life, and you’re free to go’. But what Christianity says happens is Jesus comes in and says ‘Okay, Wil deserves to be in jail but instead of Wil going to jail, I’ll be in jail, for his sake. Christ did on the cross.”
Napataas naman ang kilay ng mga netizens sa mga pahayag ni Joyce.
“I can’t hate her for her beliefs kasi she’s not causing harm on anyone pero very delikado behavior to think na murderers can go to heaven as long as they repent, compared to saint-like people who don’t believe in the Catholic God. Kinda fucked up idk,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “I would rather go to hell than be in heaven with self-righteous people like Joyce Pring. The sense of entitlement is (high). Sige judge niyo na lang kami katamad na mag-explain.”
May ilan naman na sumang-ayon sa pahayag ng social media personality.
“Yes go, judge Joyce Pring all you want. These people will never understand Christianity unless they start reading the Bible. I pray over these people may God forgive their hearts and soul,” sey ng isa.
Chika pa ng isa, “If you’re not a Christian then just ignore her. It may not be true for you but it is true for some. Don’t impose your belief in others nga di ba. So walang pakielaman ng belief.”
Related Chika:
Juancho kay Joyce: Crush na crush pa rin kita, I will always open the door and wash the dishes for you
Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal
Joyce Pring umaming maraming pinagdaraanan ngayon, buong pamilya ang may sakit