Lotlot de Leon boto nga ba kay Paulo Avelino para kay Janine Gutierrez?

Lotlot de Leon boto nga ba kay Paulo Avelino para kay Janine Gutierrez?

Lotlot de Leon, Janine Gutierrez at Paulo Avelino

WALANG problema kay Lotlot de Leon kung magkadyowa uli ang kanyang panganay na anak na si Janine Gutierrez.

Ipinagdiinan ng award-winning actress na never siyang nakialam sa lovelife ng kanyang mga anak dahil malaki naman ang tiwala niya sa mga ito.

Sa finale presscon kahapon ng Kapamila series na “Love in 40 Days” na pinagbibidahan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ay natanong si Lotlot tungkol sa relasyon nina Janine at Paulo Avelino.


Halatang nagulat ang aktres sa tanong at pabiro pang sumagot ng, “Huh! Choppy po kayo, choppy po.” Mukhang hindi nga niya inaasahan na may magtatanong sa kanya ng personal na question at tungkol pa kina Paulo at Janine.

Pero seryoso pa rin itong sinagot ni Lotlot at sinabing nasa tamang edad na si Janine, at kung saan masaya ang anak ay masaya na rin daw siya.

Hindi nga raw siya yung tipo ng nanay na nakikialam sa lovelife ng anak.

“Janine is old enough to decide for herself and I trust Janine. Whatever will make my children happy, Janine, my eldest, kung anuman ang magpapasaya sa puso niya and sa buhay niya.

Hanggang ngayon ay wala pang diretsahang inaamin sina Janine at Paulo tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ang palaging isinasagot ni Paulo kapag natatanong about it ay okay na okay sila ni Janine at tuloy pa rin ang kanilang pagde-date, “Nag-uusap at lumalabas pa rin kami.”

Pero marami ang naniniwala na matagal na silang magdyowa at gusto lang nilang maging pribado ang kanilang relationship.

https://bandera.inquirer.net/300478/janine-gutierrez-may-bago-na-raw-ayon-kay-lotlot-de-leon

https://bandera.inquirer.net/303012/lotlot-sa-nagsabing-napakatigas-ng-puso-niya-kay-ate-guy-wala-na-po-ba-kayo-idadagdag-sa-panghuhusga-nyo

https://bandera.inquirer.net/281068/janine-kilig-na-kilig-sa-hugot-ni-regine-lotlot-may-psychic-power

https://bandera.inquirer.net/318215/lotlot-de-leon-todo-pasalamat-sa-noranians-super-proud-sa-pagiging-national-artist-ni-ate-guy

 

Read more...