Chynna Ortaleza super insecure noon sa itsura at katawan: Pero dahil sa body positivity, I have stopped padding my chest
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Kean Cipriano at Chynna Ortaleza
DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actress at TV host na si Chynna Ortaleza ang mga insecurities niya noon sa kanyang katawan.
Aniya, medyo matagal-tagal ding panahon ang nagdaan bago siya nagkaroon ng confidence sa kanyang katawan at tuluyang in-embrace ang body positivity.
Sa kanyang recent Instagram post, inalala ni Chynna ang isang eksena nang magpunta sila ng asawang si Kean Cipriano sa isang beach resort.
Kalakip ng kanyang pagbabalik-tanaw ay ang litrato niya na kuha sa pinuntahan nilang beach ni Kean suot ang kanyang black swimsuit. Aniya sa caption, “Kuha ng asawa ko na bilib na bilib na sexy ako.”
Kasunod nito ang pagse-share niya sa mga netizens ng mga insecurities niya in the past dulot ng ilang kakulangan sa kanyang itsura at katawan.
“Pero dahil sa body positivity na yan I have stopped padding my chest & have been on a journey of accepting the skin I am in without needing to please anyone else but myself,” pahayag ni Chynna.
Pag-amin pa ng wifey ni Kean, “the path to body positivity wasn’t easy, it almost took 40 years for me.”
Dagdag pang paalala ni Chynna sa lahat ng mga taong biktima ng body shaming at sa mga inaatake ng depresyon dahil sa itsura o hugis ng kanilang katawan, “Quite empowering (embracing body positivity). It isn’t too late. You must & try it!”
Samantala, sa isa pa niyang Instagram post, ipinasilip ni Chynna ang ilang kaganapan sa pagbabakasyon niya sa Boracay kasama ang kanyang pamilya.
Aniya sa caption ng mga ibinahagi niyang pictures, “Paradise Dump 1.
“The kids are ecstatic! As always Boracay is so beautiful! First time namin to travel this far after the pandemic.
“Success ang lahat so far and we have met so many wonderful people here on the island.
“Planning to be back asap. Super happy that tourism is on an upswing. Magandang balaita para sa mga communities & business na andito,” aniya pa.